Part Three

70 11 19
                                    

PART THREE

WHEN SHE asked for a break and space, ang nasa isip ko ilang linggo lang; o kung aabutin man ng buwan, mga tatlo o apat lang. But I didn’t expect it’ll take two years and counting.

Nang pagbigyan ko ang gusto niya, hindi ko naman alam na bawal na pala kaming magkita at all; na kailangan na naming bumukod dahil nasa iisang apartment lang kami nakatira, at kahit pangungumusta, hindi puwede. Sa unang buwan, nahirapan akong mag-adjust. Paano ba naman kasi magiging madali sa akin ang lahat kung sa loob ng apat na taon, same routine lang ang ginagawa ko na kasama siya? Paano ko babaguhin ang lahat ngayong wala na siya sa equation?

Naisip ko nga noon na ‘yon na siguro ang sinasabi nila na dapat hindi mo raw ginagawang mundo ang dapat na tao lang. Because after we parted ways, ang dami kong na-realize. Ang dami ko pa lang gusto noon na napilitan ko lang gustuhin para sa kanya; sa alang-alang ng kanyang kasiyahan. At isa na roon ang trabaho ko. I entered the corporate world kasi sinabi niya sa akin noon, gustong-gusto niya raw akong nakikitang naka-corporate attire; mas lalo raw kasi akong gumaguwapo. Isa pa, ‘yong pinasukan ko kasing company noon ay malapit lang sa ekswelahan kung saan siya nagtuturo. That’s why when I realized that I’m not happy in that job, nag-resign ako agad.

And when I also realized that it would take too long this taking a break and space she asked, I decided to go somewhere. Naisip ko na kasi mukhang tama nga siya. Dapat ko nga sigurong ayusin mo na ang sarili. Para kung sakaling magkakabalikan pa kami, I’m a better version of myself na.

When I lost myself back then and she found me, I thought it’ll never happen again. Pero nang inakala kong nahanap ko na ‘yong aking sarili, saka naman ako sinampal ng realidad na hindi pa pala. Kaya sa pag-ayos ko sa sarili, I also decided to find myself one more time; and this time, dapat ko nang masigurado na tuluyan ko nang mahahanap ang sarili; na walang ibang tutulong kung hindi ako lang mismo. At sa loob ng dalawang taon na ‘yon, sa tingin ko naman, I succeeded — in fixing and finding myself.

That’s why when I got an invitation to our friend’s wedding at nasigurado kong a-attend siya, hindi na ako nagdalawang-isip pa at dali-dali na akong bumalik sa Manila. We’ve been not communicating for two years. Literal na wala kaming balita sa isa’t isa — ay, ewan ko lang pala sa kanya. Kasi in my part, wala talaga akong balita sa kanya. Hindi ko alam kung sinabihan niya ba ‘yong mga kaibigan namin na ‘wag siyang banggitin kapag kausap ko sila o ano. Ni hindi ako sigurado kung single pa ba siya hanggang ngayon. Kung tutuparin niya pa ba ‘yong pinangako niyang kami pa rin naman hanggang sa dulo.

Sana nga lang tuparin niya. Kasi siya pa rin naman ang laman nitong puso ko. Hindi nagbago at hindi magbabago. Kung hindi naman na siya single kapag nagkita kami . . . hindi ko alam ang gagawin ko. Wala naman kasi akong ibang magagawa kung hindi tanggapin ‘yon, ‘di ba? Kung masaya talaga siya roon, e ‘di go lang.

Tangina naman talaga, o. Until now, her happiness still matters the most.

***

I didn’t see her on the wedding ceremony kaya ngayong nasa reception na kami at hindi ko pa rin siya nakikita, unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Sabi naman nung mga kaibigan namin, she promised to them that she will attend the wedding. Pero last minute, biglang nagsabing male-late at ayon na nga, hanggang ngayon wala pa rin. And I have this feeling that I’m the reason why she didn’t show up. Nalaman niya sigurong pupunta ako kaya ayon, she backed out.

Sana lang talaga mali ang hula ko. Because if not, that shit hurt.

“Walter, bro.” Napatigil ako sa pag-inom nang wine when someone patted my back. Paglingon ko, isa sa kaibigan ko pala. “You’ve been waiting for Paige, right? Nandito na siya, kararating lang.”

I Killed Someone For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon