One Sided Love

33 0 0
                                    

Sabi nila, A crush only lasts for about 3 to 4 months. Pero 6 years?? SIX? Crush pa ba yun? Grabe.  Ewan ko ba kung crush pa ang tawag dun eh. Hindi ko alam. Baka naman kasi nadadala lang ako sa sinasabi nila na crush ko daw siya. DAW. Baka nga true love na ' to eh. Nawala na sana. Pero ayun, bumalik ulit. Baka nga Destiny na 'to eh. Baka.

"Robi!! Nakakainis ka! Ibalik mo na yang ballpen ko!" sabay hampas ko sa kanya.

"Eh. Pahiram muna. Eto naman oh.' 

"Buti sana kung nagpaalam ka di ba? Pwede namin kasi hiramin ng maayos eh." 

"Oh! Ayan na ballpen mo! Damot!" 

"Uy. Tignan niyo yung dalawa sa likod oh. Nag-aaway nanaman." sabi ni Jethro sabay tingin naman ng mga kaklase namin sa kinauupuan naming dalwa. Seatmates kami for like ilang months na. Kaya ang hirap magfocus sa pag-aaral! 

"Oy! Kayong dalawa diyan. Ang cute niyo talagang tignan. Parang kayo." sambit ni Emily. "Bagay na bagay talaga kayo. Tignan mo. Maputi si Robi, samantalang ikaw Jillian hindi naman kaputian. Matangkad siya. Maliit ka. Opposite na opposite. kapag nagkatuluyan kayo, totoo na talaga yung kasabihang ' opposites attract'"

Dahil kay Emily, ang dami kong nalalaman tungkol sa love. Katulad niyang opposites attract na yan. At sabi niya, kapag magkamukha daw kayo ng isang taong opposite ng sex mo, meant to be daw kayo. Seryoso? Haha. Mukhang malabo naman mangyari yun samin ni Robi. Malaki kaya mata nun! 

Buti nalang hindi nagpapaapekto si Robi sa mga panunukso ng mga kaklase namin. Ang awkward nun pagnagkataon. Pero, hello? Ilang years na hindi niya pa rin ba nahahalata? O baka naman alam niya na. Eh pero di ba kung alam niya  na dapat naiilang na siya sa akin? Hmm.. baka naman... Ay hinde hinde. Imposible. Napakafeeler ko talaga. Hindi yun. Sigurado. 

"Jillian, aabsent ako bukas ha."

"Ba't ka naman aabsent Robi?"

"Ipapacheck-up ko yung kamay ko. Pero try ko maghalf-day" nabali kasi yung kamay niya nung summer. Nagbasketball kasi sila ng mga kaibigan niya. Hindi kasi nag-iingat eh!

"Huh. Okay." Kunyari hindi ako apektado. Pero deep inside, hinihiling ko na sana hindi na dumating ang bukas.

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon