Chapter 3

15 0 0
                                    

Grade 4 ako noon ng simulang mabulgar ang sikreto ko. Eto kasing si Veniece eh. Nandamay pa. Nasa lobby kami ng school noon. Ako, Si Robi, si Veniece.

“Veniece, ano? May crush ka nga saken?” patawang tanong ni Robi.

“Oo! At si Jillian din crush ka!”

“HA???!!!!!!!” Dahil sa gulat, natawa nalang ako sa sinabi ni Veniece. Grabe siya! Ni wala nga akong intensyon na aminin kay Robi na crush ko siya tapos pinagsigawan lang ni Veniece?! Wala na akong mukhang maihaharap kay Robi. Simula no’n, nailang na siya sakin. Ewan ko ba at napakabilis kumalat ng balita. Nalaman na agad ng mga kaklase ko. Hay. Wala na akong pake. Pansinin niya lang ako ulit. Okay na ako.

“Bakit ang lungkot mo diyan? Party na later oh.” Tanong ng bestfriend ko.

“Si Robi kasi. Hindi niya na ako pinapansin. So sad.”

“Jillian, may regalo ka na ba para sa Valentine mo?” sabat ni Joy.

“Wala pa eh. “

“kawawa naman yang mabubunot mo.” Sabay tawa ni Joy.

“Malas niya lang no.”

“Okay kids. We’re going to start our party. I have  21 hearts here that were divided into two. You pick one and find the other half the matches the heart that you have. Clear?” instruct samin ni Ms. Basi. Hay. Magsisimula na ang boring na party.

“Yes Ma’am!” sabay sabay naming sagot.

“Okay then. You may start!”

Hmp. Sino naman kaya mabubunot ko? Wag naman si Michael. Naku po. Inatake nanaman ako ng katamaran ko. Uupo nalang ako at maghihintay.

“Jil, patinign ng heart mo.” Ilang kaklase ko na ang nagbakasakali. Pero hindi ko mahanap ang kapartner ko! Anobanamanyan! Lahat ba talaga to may kapartner? Baka naman yung akin kung san san lang napadpad. Nakakaasar naman to  oh. Iilang tao nalang ang walang kapartner. Kailangan ko ng kumilos. Ayokong mapahiya dito noh.

Huh. Omg. Isa pa pala si Robi sa mga walang partner. At eto, papalapit na siya sakin. Teka, anong sasabihin ko? Paano kung nagmatch kami? Hala. Destiny!!!

“Jillian, patingin ng heart mo.” Nginitian niya ako!!! Gusto niya ng heart ko..? Hindi niya ba alam na nasa kanya na? Robi talaga oh.

“Uh, hello. Jillian?”

“Ah.  Oh. Eto oh.” Nilapit ko ang puso ko sa puso niya. Naglapitan ang puso naming dalawa. And BOOM! Nagmatch!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko! Nanginiginig ako sa kilig, tuwa at takot.  Totoo ba ito? Kinuha ko ang kapiraso ng puso na nasa kanya. Pinagmatch ko ulit. Walang duda! Valentine Partner ko nga siya!!!! Teka nga! Kalma kalma. Mawawala poise natin niyan eh. Wew. Breathe in. Breathe out.

“Uy. Partner tayo oh.” Sabi ni Robi.

“Oonga eh.”

“Oh. Para sa’ yo. Red Rose. Tanim pa yan ng Mommy ko.”

Tanim ng Mommy niya? Tapos binigay niya sa akin. Grabe. Eto na ang valentines na hindi ko makakalimutan!

“Salamat. Wala akong mabibigay sayo eh. Ihahabol ko nalang. Thanks ulit!”

Para akong nasa langit. The boy I have been crushing on, since like, forever, gave me a rose on a Valentine’s Day. Nakakakilig!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Do you have something to share Ms. Anciano?”

“Jillian!”

“ Uh, ha?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon