Chapter 2

13 0 0
                                    

“Tignan niyo si Jillian. Ang tamlay oh.” Sabi ni Migz

“Paano kasi wala si Robi.” Sagot naman ng best friend kong si Louisse.

“Eh di ba sabi niya maghahalf-day naman siya?” tanong ni Alyssa.

“Oo nga. Eh pero kahit na. Hindi kumpleto ang araw ko kapag wala siya. Sana di nalang din ako pumasok.”

“Malay mo dumating na yun mamaya. Ang aga pa nga eh. Napakaemotera talaga neto.” Sabi naman ni Ken.

“Speaking of. Andyan na siya!” bulong ni Christine.

“Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa?!!!”

“Uy Robi andyan ka na! Kanina ka pa hinahanap niyang si Jillian.” 

Binati ko siya, “Hi Robi!” pero hindi niya ako pinansin. Ni hindi man lang siya nagreact. Nakakainis! NakakaBV talaga tong lalakeng to.

“Okay class. Please go back to your seats.”  Yes! Nanjan na si Sir Magasi, Makakatabi ko na siya!

“Mukha kang tanga! Anong nginingiti ngiti mo jan?” saway ni Jaja.

“Ha? Wala lang!”

“Sus. Masaya ka nanaman kasi nanjan na Prince Charming mo. Kani-kanina lang, para kang sinukluban ng langit dyan tapos ngayon yung ngiti mo, lagpas solar system na.” Alam na yata ng buong barangay itong love story ko. May matatago pa ba akong sikreto neto?

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon