Pards

16 4 7
                                    

Kumukulimlim na. Malapit na lumubog ang araw at palitan sa trabaho ng buwan. Preskong hangin ang sumalubong sa akin paglabas namin sa klase.

Napasinghap ako bago kinuha ang aking cellphone sa bulsa ng palda ko. Paubos na ang mga estudyante sa campus pero parang hinang-hina ang mga tuhod kong maglakad para lumabas.

Nag-text 'yung anim na taon ko nang bestfriend.

Pards: Pards, sa'n ka? Sabay tayo uwi.

Isang linggo na rin noong umamin ako sa kaniya. Matapos no'n, hindi ko na siya kinausap. Hindi na rin kami sabay kumain dahil may kasabay na siya. Hindi na kami sabay umuwi katulad ng nakagawian noon.

Parang sa isang, lahat ng pinagsamahan namin ay nabago noong umamin ako. Hindi ko na kasi kaya. Pagod na 'ko.

Sobrang sakit na makita sila ng bago niyang kasintahan na nagkukulitan sa harap ko, nagsusubuan tuwing lunch sa bahay nila nang kasama ako. Takte, sa akin niya lang nagagawa 'yon dati. Fishball nga lang.

Sobrang sakit na sa tuwing magkasama kami nag-iisip siya ng ireregalo sa monthsary nila, nagtatanong kung ano bang puwedeng ipang-regalo.

Ibinulsa ko na ulit ang cellphone ko bago naglakad nang malumanay. Lumipas ang araw na 'to na ang tanging natandaan ko lang ay 'yung kaklase kong nanghiram ng ballpen na pagbalik may ngat-ngat pa 'yung takip. Hanep.

Then the rest, puro siya na. Ewan ko ba, kahit saan ko ilingon, ibaling, baliktarin 'yung isip ko siya at siya pa rin ang kinahahantungan nito.

Nakaupo lang naman ako maghapon, hindi rin naman ako kumain, lumabas lang ako kanina para mag-CR pero ramdam ko 'yung pagod. Pagod sa isipan diretso sa dibdib. Doble kaysa sa pisikal na pagod.

Medyo nasanay na rin na walang kasabay. Si Pards lang talaga 'yung taong sinamahan ako nang walang hinihinging kapalit. Boring kasi ako, hindi rin ako kagandahan, walang talent. Talino yata pawala na rin dahil sa kabaliwan. Or should we say... nobody.

Na siya namang kabaliktaran niya. Hindi ko nga alam kung pa'no niya ako nagustuhan... bilang kaibigan. Siya lang naman ang Valedictorian namin nung junior highschool, vocalist ng banda sa club, part ng dance troupe ng campus. Tangina, sa'n ka pa?

Patuloy ang pag-vibrate ng phone ko dahil sa calls and text messages na panigurado naman akong galing sa kaniya. Hindi ko nalang pinapansin, patuloy nalang akong naglakad sa gilid ng kalsada.

Inisip ko, bakit ako magtatago o tatakas? Wala naman akong kasalanan.

"Ms. Tumingin ka sa daan, baka makabangga ka," sabi ng estranghero. Lutang na lutang na yata ako.

"P-Pasensya na po," ani ko bago tuluyang maglakad.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa sakayan ng jeep.

Habang naghihintay ng jeep ay may nagsalita. Boses na anumang oras ay puwede akong lusawin.

"Ba't 'di ka nagre-reply? Hindi ka rin sumasagot sa tawag, Pards." Sabi nito. Pilitin ko mang tumingin nang direkta sa kaniya ay hindi ko magawa.

"Hindi ko napansin," pagpapalusot ko nalang.

Nang makasakay sa jeep at nakipagsiksikan din ito makatabi lang ako.

Naamoy ko na naman 'yung pabango niya. Halimuyak na isang linggo kong hinanap-hanap.

"Pards, kain muna tayo sa bahay. Miss ka na raw ni Mommy, tagal mo na raw 'di pumupunta. Saka, 'di ba nagpapapasa ka nung Harry Potter series?" Aniya.

"Marami pa 'kong gagawin. Pakisabi kay Tita sa susunod ---- "

"Tulungan kita, Pards. Wala naman akong gagawin tapos na ako sa lahat. Saka 'yung payong mo pala hindi ko pa nasosoli," Pagputol nito sa 'kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon