Chapter 4

3.1K 236 300
                                    

Chapter 4

"What the hell, Sonya. You can fucking press our fucking doorbell." Iritadong lumabas ng bahay si Dan. "Hindi ka ba naaawa sa busina ng sasakyan mo?"

Bitbit ko ang cake na binake ko para sa birthday boy. It was a chocolate cake. Dan hates chocolate so...

"Marami ng bisita sa loob?"

"Oo." Sumusunod siya sa akin papasok ng bahay nila. Kahit nasa labas pa lang ako, rinig na rinig ko na ang malakas na kantang tumutugtog.

"Huh? Bakit hindi sa rooftop?" Inis akong bumaling kay Dan nang makapasok.

I told him I want to party in the rooftop of his house!

"Tanga ka? Wala akong kasambahay baka nakakalimutan mo. Sino magdadala ng mga pagkain doon? Ako?" he said sarcastically.

Kaunti lang ang tao sa sala. Siguro ay kaunti lang ang inimbitahan ni Dan. Agad akong dumiretso sa kusina nang hindi nakita sa sala si Juliet. Nang ilibot ko ang aking tingin ay agad kong nakita si Juliet na nakaupo sa bar stool. She was talking to a man. Pagkuwa'y tumigil siya sa pagsasalita at biglang tumayo nang makita ako. Napatingin siya sa kausap kaya tumingin din ako roon.

My heart boomed.

It was Flint. He was staring at the glass he was holding. He didn't look at me. It was like he was scared to have an eye contact with me.

Ano? Nahihiya ka ngayon sa akin ngayong alam ko ang malagim mong sikreto?

"Sonya! Bakit ngayon ka lang!" si Juliet.

Hinawakan niya ako sa braso at hinila palabas ng kusina.

"Flint doesn't have a girlfriend! Sobrang fake news mo," she whispered as we walked.

"What the hell are you talking about?" I returned, confused.

"So ganito kasi yan. I asked him if he has a girlfriend. Tapos you know me, maloko ako so tinanong ko kung alam ba nung tinutukoy mong girlfriend na girlfriend mo siya. Tapos natawa siya sa akin! Tas he answered 'no'!" She chortled.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Funny na sana ang kwento but I knew that he was lying! Talagang ayaw mabuking ang relasyon sa matandang propesor, huh?

"Ayan! Maayos na! Hindi ka na magiging kabit! Ship ko na kayo. Stay strong sa kiki mo, girl!" she chortled again.

Dumiretso kami sa sofang inuupuan ni Dan at ng ilang kaibigan niya na sa tingin ko ay mga tiga-Business Ad. Naroon din sina Marco, Arone, Guinevierre, Hanny, at Meija.

"Hi!"

We addressed each other before getting food. I only ate a little because I was aware that we will drink later.

Nang napatingin ako sa cellphone ko, nakita kong mag-aalas diyes na.

Nakita kong tumayo si Dan at kinuha na ang mga inumin. Ipinamahagi niya iyon sa ibang sofa at nakipagkwentuhan sandali bago bumalik sa amin. Inilapag niya ang maraming bote sa lamesa namin. Tinignan ko ang malalaking bote ng Hennessy, Jack Daniel's, Smirnoff, at Bacardi. Kumunot ang noo ko sa mga iyon.

Kunot pa rin ang noo, binalingan ko ang kaibigang kumalabit sa akin.

"Don't worry, babe. Here's your cocktail!" Juliet handed me a glass of the teaser drink.

We laughed together after drinking our margarita. She knows me too well.

I don't drink hard liquour first. I will always have my favorite margarita first. That was my rule everytime I drink. Kumbaga, appetizer.

His Cold Touch (Japan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon