Chapter 32

2.6K 123 39
                                    

Chapter 32

"Table thirteen!" I yelled as I passed the tonkatsu.

While plating the next plate of tonkatsu, someone prodded me from the back. I glanced at the lady briefly and then continued plating.

"Ano na naman, Kristina?" 

Ang ilan sa mga nagtatrabaho sa Nakanoshima ay nakipagpalit sa mga nagtatrabaho dito sa Dotonbori. Hindi daw nila matiis na hindi ako nakikita. Ayos na din iyon dahil pabor naman iyon sa mga pinalitan nila. 

"Wala lang, chef. Medyo kinikilig lang!" she effused.

Sumulyap ako kay Juliet na nasa harapan ko, pumapalatak habang nakatingin sa likuran ko.

"Lagi ka namang kinikilig, Kristina! Oh, ito! Table twenty-three!" she passed the plate of yakisoba to the waitress.

"Ayos! Sige labas na ako!" 

Hindi ko pinansin ang babae. Pinagtuonan ko na lang ng pansin ang mga bagong order. 

I began frying chicken fingers and shrimp tempura. While waiting for it to be color golden brown, Juliet started teasing me about me sleeping in Flint's condo. 

"Ito naman! Parang di tayo magkaibigan!" she pouted her lips.

"Your question is fucking weird. Why would you ask me if my first was... masarap?"

Mas lalong ngumuso ang labi niya habang nilalagyan ng soup ang ramen. 

"Bakit hindi mo na lang kasi sagutin!? Noong college tayo sinabi ko sa'yo na masarap ang una ko!"

"Kusa mong ikinuwento sa akin! I didn't force you!" 

"Ang daya mo!"

"Shut up, Chef Racela," I irritably said and then suppressed a smile. 

Hindi ko alam pero lagi akong natutuwa sa tuwing naiisip na may nangyari sa amin ni Flint. Alam kong sobrang sakit gawin noon kasama siya pero gusto kong ulitin!

Natawa ako nang malakas dahil sa naiisip. Tumikhim ako nang mapatingin sa akin ang mga kasama. 

While plating the tempura, Kristina yelled my name. Pinasa ko ang plato bago siya nilingon. Medyo nagulat ako nang makitang kasama niya ang manager. 

"Ma'am..." the manager bowed. "A customer wants to see you. He told me that he has a problem with his milkshake. I already told him that you're busy inside the kitchen and I can help him with his concern but he really wants to see the owner."

I unconsciously nodded my head. Sinundan ko ang manager palabas ng kitchen upang daluhan ang customer na siguro'y bida-bida. 

I hired a manager for this! Bakit ako! Unang araw ko pa lamang pero pakiramdam ko ay sawang-sawa na ako!

Napairap ako sa hangin habang papalapit kami sa pamilyar na imahe ng isang lalaki. Halos mapunta sa likod ang mga mata ko nang magkatinginan kami. 

"You can leave us now," I eyed the manager who was standing beside me. 

Muli nitong iniyuko ang ulo bago kami iwan. Malawak na ngiti ang ipinukol ko sa customer na bida-bida.

"What's the problem, Sir?" the smile on my lips became wider as I stared at Flint.

Kinuha niya ang watermelon shake na nasa lamesa at saka sumandal sa upuan. He sipped on his shake without detaching his eyes on me. He then placed it back on the table and pointed it with his finger.

"That shake..." he paused with a furrowed brows.

I raised my brow, waiting for him to continue.

His Cold Touch (Japan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon