Nagmulat ako ng mga mata dahil naramdaman ko ang sobrang pagkirot ng ulo ko. What the hell just happened? Nasaan si Tito Greg? Hindi pamilyar yung paligid nung ilibot ko ang paningin ko. Nasa loob ako ng isang maliit at masikip na kwarto. Hindi ganito ang itsura ng kwarto ko at imposibleng naiuwi agad ako nina Mommy. Wait... I remembered what happened! We just crashed!
Umayos ako sa pagkakaupo at humawak sa ulo ko. Napabalik ako sa huwisyo nang may batang pumasok dito sa loob ng kwarto. May dala syang pagkain. Nanlaki ang mata niya na parang nakakita ng multo. Ganon din naman ang reaksyon ng mukha ko.
Agad niyang ipinatong sa maliit na lamesa sa gilid yung pinggang naglalaman ng pagkain atsaka tumakbo palabas.
"Kuya! Kuya!" rinig kong sigaw niya. Sandali, ano bang nangyayari? Sino ang batang yun? Bahay niya ba to? Paano ako napunta rito? Shit! Lalo atang sumakit ang ulo ko. "Kuya! Gising na yung babae!" babae? Ako ba yung tinutukoy niya?
Rinig ko ang mga yabag nila na papunta rito sa loob ng kwarto kaya nagmamadali akong humiga ulit at nagtalukbong ng kumot. Ramdam ko yung pagkirot ng ulo ko. Fuck head!
"Sabi mo gising na?" boses yun ng lalaki. Feeling ko nasa tabi ko lang siya dahil ang lapit ng boses niya.
"Ewan ko, kuya! Baka nahimatay ulit!" natatarantang sagot naman nung batang pumasok dito kanina. What the hell.
Sandaling tumahimik yung paligid at maya maya lang, may pwersang humila sa kumot na nakataklob sa akin ngayon. Nagulat ako sa nangyari kaya napaupo ako at napasigaw. "Ano ba!" sabi ko sabay tingin sa dalawang taong nasa harapan ko ngayon. Yung bata at... yung lalaking tinawag niya atang Kuya. "Sino kayo?!"
"Stop shouting." walang emosyong sabi nung lalaki. Parang napahiya naman ako kaya itinikom ko yung bibig ko. "Nakita kita sa pampang kanina na walang malay. Sugatan din yung katawan mo kaya dinala kita rito." mahinahong paliwanag niya. Parang bigla naman akong naguilty. Nasigawan ko sila tapos sila pala ang nag ligtas at nag alaga sa akin. Kahit kailan talaga Swara, you got an attitude!
"Maayos na ba yung pakiramdam mo, Ate?" tanong nung batang babae. "Ano po bang nangyari sayo?"
"N-Nag crash yung helicopter na sinasakyan ko..." I remembered about Tito Greg. "Wait! Ako lang ba yung nakita niyo? May kasama akong piloto..." I'm secretly praying that Tito Greg is fine. Kaming dalawa lang ang magkasamang umalis kanina. That crashed is uncleared in my memory. I don't know what the hell is the reason. Pag gising ko, may problema na sa helicopter at bumagsak iyon sa kung saan at nawalan ako ng malay.
"Ikaw lang ang nakita ko," sagot nung lalaki.
Napatingin ako sa suot ko. Hindi ito yung suot ko kanina. "D-Did you... changed my clothes?"
Wait, what? What did I just said again? I'm sounded like a perv! I'm not! I just want to know! He's the one who brought me here so I must know!
"Why would I do that?" tanong niya.
"Si Mama po ang nagpalit ng damit mo, Ate." sagot nung batang babae. Feeling ko napahiya na naman ako. Why the hell would I asked if he's the one who changed my clothes when in fact I could've just asked him who changed it to not be sounded so awkward!
Kinuha niya yung pagkain na nakapatong sa lamesa sa gilid at inilagay niya iyon sa gilid ko. "Kumain ka."
I looked at the food. I don't know what that food is and I think hindi ko makakain ang bagay na yan.
Napansin ata nung lalaki yung pag ngiwi ko habang nakatingin sa pagkain. God! I cannot eat this kind of food! I want meat. Ngayon ko lang nakita ang itsura niyan. Mukha pang gulay. I don't eat veggies except cabbage.
YOU ARE READING
Sudden Island Love
RomansSwara's family has a tradition that whenever their daughter turned eighteen years-old and above, she should marry someone from their business Corporation. Pakiramdam niya ay nakatali ang leeg niya at gusto nyang kumawala, so she decided to rebel and...