Malaya

0 0 0
                                    

isa dalawa tatlo
ilan pa bang bilang para malaman mo,
malaman mong ako'y nasasaktan
malaman mong ako'y nahihirapan
isa,
isang beses pa lamang ng ako'y sumuko
dalawa,
dalawang beses na akong lumaban
tatlo,
pangatlo,
oo pangatlong beses na akong tumitingin,
tumitingin sa ating larawan,
larawang kay saya

pag bilang ko ng tatlo
malaya kana
pag bilang ko ng tatlo
susukoan na kita
pag bilang ko ng tatlo
di na kita kukulitin pa
pag bilang ko ng tatlo
di tayo para sa isa't isa
isa dalawa tatlo
tayo'y tapos na

-JJMG

tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon