Tama na

0 0 0
                                    

dalawang salita,
salitang gustong iparating,
iparating sa'yo
upang malaman mo,
malaman mong sawa na ako,
sawa na akong masaktan,
sawa nang maloko,
sawa na sa ginagawa mo,
sawa na ako sayo,
sawa na at suko na
mahal, ano pa ba ang kulang?
binigay ko naman sayo lahat diba?
mahal ko, bakit?
bakit mo nagawa saakin to?
anim, anim na letra
mga letrang nag buo,
bumuo sa salitang pipigil,
pipigil sa damdamin,
damdaming umiibig sa huling pag kakataon,
ngunit, ako'y sawa na nga
kaya't ako'y titigil na,
mahal ko? tama na,
tama na sa pananakit mo,
tama na sa peke mong pag ibig,
tama na sa pag kakataon na 'to,
mahal, tapos na ako,
tapos na ako sayo,
tapos na akong bilogin mo,
tapos na akong maging tanga sayo
tapos na tayo
paalam mahal ko
sana'y makahanap ka ng iyong iibigin
at h'wag nang bibigoin

-JJMG

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon