aking rosas

6 0 0
                                    

una ko siyang nakita sa isang flower festival,noong mayo,at kaarawan ko din noon,at nakatanaw lang ako sa kanya na kay lawak ang ngiti habang tinitingnan ang mga bulaklak. isa lamang akong tindero ng bulaklak,kinalakihan ito ng aking pamilya,kada henerasyon.medyo nahihiya akong lumapit sa kanya dahil kasama niya ang kanyang mga kaibigan.kumukuha sila ng mga larawan tig isa hanggang tumingin siya sa akin.nakakabighani ang kanyang mata at napakaganda,ngumiti siya sabay turo sa akin. nahuli niya ba ako na nakatingin?sana hindi. tumingin din sa akin ang mga kaibigan niya.

"hi po kuya,pwede po papicture kami?" tanong niya,napakatamis ng boses niya,at malambot,tila isang anghel ng nagsasalita.

tumango ako at binigay niya sa akin ang kanyang cellphone at sumama sa mga kaibigan niya na nakahanda na,isa isa sa kanila ay may hawak na bulaklak at nakita ko na kumuha siya ng isang rosas.ginawa ko angkanyang hiling at inayos ang pagpicture sa kanila hanggang sa magsawa sila.

"thank you po kuya!"napansin ko din,matangkad siya,pero hindi naman iyon problema sa akin dahil matangkad din ako.

"uy picture kayo ni kuya,parehas pa naman kayo nakastripes" totoo nga,siya ay nakastripe na pantaas at simpleng pantalon,gayun din ako,tadhana ba ito?

tumabi ako sa kaniya at inakbayan siya,iyon na ang lakas ng loob na nakuha ko,ngumiti naman siya,at parang nagliwanag ang mundo ko dahil doon.

at iyon nga ang araw na nagkakilala kami,tinanong ng mga kaibigan niya kung ano ang pangalan ko at sinabi ko na joshua ang aking pangalan,samantalang siya ay nagpakilala bilang rhea.

ang flower festival ay nagtatagal ng pitong araw o katumbas ng isang linggo,at sa araw araw ay palagi ko siya nakikita.pangalawang araw ay nakabestida siya,mukhang may pupuntahan,panatlo ay naka palda at cardigan,pangapat ay isang sundress,napakaaliwalas ng itsura niya. lagi din naman sila pumupunta sa pwesto ko at minsan makikipagkwentuhan dahil naging close din kami.

pagdaan ng mga araw hanggang linggo at mga buwan,natapos na ang festival pero hindi pa rin siya tumigil sa pagpupunta sa aking tindahan.tumutulong din siya minsan,at yun ay napagtanto ko na,gusto,hindi,mahal ko na siya.

kahit napakabilis ay ang mga susunod na araw,ay disyembre na,malamig na,tumutulong pa rin siya sa akin.at marami na akong alam tungkol sa kanya,minsan ay nagbabanatan,tawag nila ay hokage moves at nagtatawanan.

"rhea,bakit ka nga pala,palagi tumutulong sakin?"gusto kong tanungin noong mayo pa,pero ngayon lang din naalala.

tumingin siya sa akin habang inaayos ang isang lalagyanan ng rosas,at ngumiti.

"dahil gustong gusto ko ng mga bulaklak,mabait ka,kaya inakala ko noong mayo ay pwede ako tumulong,at pumayag ka naman" sambit niya.

"ahhh" pagintindi ko
"bakit mo gusto ang mga bulaklak?"tanong ko ulit.

"dahil napakaganda nila,lalo na ang rosas,kaya kung mamatay man ako,gusto ko mapaligiran ng rosas,wala akong pake kung pula ito" tumawa siya.

"hindi ka mamatay" sabi ko,at parang may iglap sa kanyang mata,kalungkutan,at nalito ako.

pagkaraan ng isang linggo ay hindi siya nakapunta sa tindahan.nagtaka ako,at palaging nagtetext sa kanya kung ayos lang ba siya.pero habang tumatagal ay nagaalala na ako

"josh?kamusta?" bati ni alliyah,isang kaibigan ni rhea,nagandahan ako kaunti sa kanya,kaunti lang.

"ayos lang,nasaan pala si rhea?" tanong ko,dahil ika-apat ng disyembre na at kaarawan niya iyon.

biglang lumungkot ang itsura ni reignielle ng banggitin ko ang pangalan ni cheska.may nangyari ba?

"hindi ba niya sinabi sa iyo?" isang malungkot na ngiti ang bumahid sa kanyang mukha.

aking rosasWhere stories live. Discover now