I'd Still Say YES (My Lesbian Lover)

1.9K 19 4
                                    

                 Sabi nga nila, everybody has a second chance. Pero minsan kasi yung chance na yun, yun pa yung nagiging reason kung bakit nagiging worst yung sitwasyon. Dahil minsan, iniisip nila na pwede pa rin silang gumawa ng di dapat kasi alam nila na konting suyo lang mapapatawad na natin sila. Masyado silang nagte-take advantage sa pagiging mabait natin na madalas nagiging dahilan na kung bakit tayo nagmumukang tanga.

                 Kapag kasi nakagawa sila ng malaking kasalanan tapos napatawad agad natin sila akala nila kaya tayo ganun dahil di natin kaya na mawala sila, na kahit anong gawin nila, kahit gano kalaki yun ang alam lang nila magiging ok na satin agad ang lahat sa isang sorry lang.

Hanggang kelan ba nila kaya gumawa ng mali?

Kapag nawala na lahat sakanila?

O kapag nakuha na nila yung gusto nila pero hindi naman pala sila magiging masaya?

 ------**

Yieee ! This is it...

 I will post our worst story I mean love story 🤣

Sana pag inumpisahan ko to’ at matapos maging okay pa rin kami hahahaha

Siya naman actually yung nagbigay ng idea sakin kaya she don’t have an excuse para magalit sa pag post ko dito haha.

                  Nasa SM Sucat kami that time nung naisipan ko na ikwento rin yung sumpa namin, ay love story pala ng jowaers ko. Siya yung nagbigay ng idea sakin na magpost rin habang nagdi-dinner kami nun kasi sinabi ko sakanya na may account na ko sa wattpad. Kakatapos lang namin pumunta and kunin yung documents sa shipping line na naka-assign sa kanya that day kaya napadpad kami sa Paranaque. And Yes, sumasama ko sakanya minsan habang nagwowork siya. 

                 Di ako nagsulat or post para magpapansin. I just wanted to write and share what happen in our whole relationship. Malay mo naman maka-inspire rin 😄✌

                Malay mo lang naman 😅😅

“Sometimes a nightmare that happens before can also be a reason why you found out what HAPPINESS really means”

 I can’t say that I also belong to the 3rd sex kasi di naman ako nagkakagusto talaga sa girl na girl. Maybe I just appreciate what physical appearance they have. Basta !

            If I’m not mistaken, September 2007 kami nagkakilala thru text ni Rhed. Nakilala ko siya sa friend slash ex ko, si Shen. Friend ni Shen yung sister ni Rhed pero dahil sa lesbian din si Shen kaya siguro binigay ng sister nya yung number.

            Schoolmate ko ng Elementary si Shen since 1st yr. highschool and taga dito rin siya samin. Pero di ko kilala si Shen talaga. Kilala niya ko sa mukha pero siya never ko pa sya nakita talaga. Nakilala ko sya thru text din, sa tropa ko naman na friend niya rin pala nung 3rd yr highschool kami. Nagkatext kami ng ilang months ni Shen at ewan ko ba kung bakit at paano naging kami. Pero di rin yun nagtagal kasi di talaga nagwowork. Naging magfriend kami ng tropa nya, si Em. After that naging kami rin. Pero half year lang kami kasi nag-tymer sya hmn ! at dahil laging di nagwowork, nga-nga lang. After how many months mawalan kami ng communication ni Shen & Em kahit naging magfriend kami after ng mga break-up namin.

            Nagkaroon ako ng bf na lalaki for almost 5months and naging legal kami pero dahil sa di ko talaga feel yun balik ulit ako sa lesbian. Nagkaroon ako ng on,  sa Clan ko siya nakilala, si MJ. Our relationship lasted for 1year. Nagwowork naman relasyon namin pero di rin siguro namin kinaya yung Long Distance Relationship kaya nag umpisa na rin kami magkalabuan.

I'd Still Say YES (My Lesbian Lover)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon