Isang napakagandang dalaga ang naninirahan sa isang liblib na lugar sa bayan ng Calamba. Siya ay nag ngangalang Theresa, wala siyang kaakibat sa buhay dahil ulila na siya sa magulang sapagkat pumanaw na ang mga ito dahil sa isang aksidente subalit hindi ito naging balakid para mawalan siya ng pag-asang mabuhay. Si Theresa ay isang napakasinop na tao dahil pinagsasabay niya ang pagtatrabaho at pag aaral, marami man dumadatal na dagok sa buhay ni Theresa ngunit pilit niya itong kinakaya para sa kanyang sarili.
Isang gabi, kasalukuyang natutulog si Theresa suot ang kanyang paboritong puting bestida nang maalimpungatan siya dahil naramdaman niya na may humahaplos sa kanyang mga hita, agad siyang napabalikwas dahil sa gulat ng makita niya kung sino ang humawak sa kanya. Ito ay ang kanyang tiyuhin na adik na nakatira sa di kalayuan, agad na tumayo si Theresa mula sa kanyang higaan at tumalilis siya ng mabilis para makapagtago, kitang kita sa mga mata ni Theresa ang takot. Kasalukuyan siyang nagtatago sa likod ng kanilang tahanan at sa di inaasahang pagkakataon ay natagpuan siya ng kanyang tiyuhin at tinakpan agad nito ang kanyang bibig at sinuntok siya sa sikmura, nagpupumiglas siya subalit sadyang malakas ang kanyang tiyuhin kaya naman wala na siyang nagawa. Sinaksak siya ng ice pick sa kanyang tagiliran at ginahasa ng kanyang tiyuhing mapagsamantala. Bago siya lisanin ng kanyang tiyuhin ay sinaksak muli siya ng dalawa pang beses. Naiwan si Theresa na nakahandusay at hinang hina ngunit nagawa padin niyang isulat sa kanyang kaliwang braso ang pangalan ng kanyang tiyuhin na lumapastangan sa kanyang buhay gamit ang kanyang dugo at isinumpa niya na hindi siya matatahimik hanggat hindi nabibigyan ng katarungan ang kanyang pagkamatay, sadyang nakakapanlumo ang nangyari sa buhay ni Theresa.
Isang binatang lalaki ang nakasaksi sa pananamantalang ginawa kay Theresa, ito ay ang anak ng kanyang tiyuhin ngunit ito ay nagmistulang pipeng saksi dahil mas pinili niyang manahimik at huwag isuplong ang kanyang Ama sa mga pulis.Makalipas ang isang buwan ay umalingawngaw na ang usap usapan na may nag papakita daw na babaeng duguan at may saksak na ice pick sa tagiliran, sapantaha nga ng mga tao ay si Theresa ang babaeng iyon. Wala ng nakatira sa tahanan nila Theresa kaya naman napagpasyahan ng kanyang tiyahin na gawin nalang na paupahan ang tahanan nila Theresa, isang pamilya ang nangungupahan sa dating tahanan nila Theresa.
Malapit ng mag takip silim nang utusan ni Aling Ethel ang kanyang panganay na anak na si Manuel para bumili ng bigas. Si Aling Ethel at ang kanyang pamilya ang nangungupahan sa dating tahanan nila Theresa. Kasalukuyang naglalakad si Manuel pauwi sa kanilang tahanan nang may maaninag siyang nakaputing babae sa bungad ng kanilang tahanan, nanginig ang buong katawan ni Manuel dahil sa takot at kumaripas ito ng takbo papunta sa kanilang kapit bahay.
*tok*tok*tok*
"tao po! tao po!" takot na takot na kumakatok si Manuel sa pintuan ng kanilang kapit bahay at agad naman itong binuksan ng kanilang kapit bahay
"Oh Manuel bakit hapong hapo ka? Anong nangyari sa iyo?" nag aalalang tanong ng kapit bahay nila Manuel
"m-may white lady po kasi sa h-harapan ng bahay n-namin" nauutal na sambit ni Manuel
"Ano? baka naman namamalikmata ka lang?" tanong ng kanilang kapit bahay
"t-totoo po, nakita po mismo ng dalawang mata ko" sagot naman ni Manuel
"Diyos ko! totoo pala talaga ang alimuom tungkol sa babaeng nagpapakita sa bahay nila Theresa"sambit ng kapit bahay nila Manuel