Habang palapit kami nang palapit sa mansyon ng mga Soriano, ay palakas din nang palakas ang pag kabog ng dibdib ko.
Ito na 'yon, ang araw na lilipat naako sa bahay ng totoo kong pamilya.Napapikit ako at huminga ng malalim, kaya ko 'to hindi ko man gustong iwan ang kinalak'han kong pamilya, kailangan ko namang makapag tapos sa pag aaral para sa kanila at magagawa ko lang 'yon kung nandito ako sa poder ng totoo kong pamilya. Magagawa nila akong pag aralin sa college.
"Ayos ka lang ba? Kanina kapa dyan walang imik," tanong nito.
Napatingin ako sa lalaking nagsalita, na kasalukuyan ngayong nagmamaneho ng mamahaling sasakyang sinasakyan namin.
"A-ayos lang po ako, sir." Ngumiti ako nang pilit para itago ang kaba at pag aalinlangan.
Umiling-iling siya at seryoso akong tinignan.
"Stop calling me sir, I'm your father mas magugustuhan ko kung tatawagin mo akong dad," mahinahon niyang paliwanag.
"Opo dad," tugon ko naman at ngumiti siya bago tumango.
"Alam kong nag aalala ka at kinakabahan, hindi kita masisisi dahil sa paningin mo isa lang akong estrangherong biglang lumapit at sinabing ako ang totoo mong ama," panimula niya.
"Hindi naman po sa gano'n," pagtutol ko, pero malungkot niya akong tinignan na parang anagsasabing hayaan ko muna siyang magsalita.
"Malaki ang pagkukulang ko sainyo ng mom mo, hindi ko nagampanan nang mabuti ang pagiging ama kaya nawala ka. Hindi na tumagal ang buhay ng mom mo at nawala siya ng hindi ka man lang nakikita, lumaki ka namang iba ang nakilalang magulang at hindi mo naranasan ang maayos na buhay kasama kami. Ako ang dapat na sisihin sa lahat, pero ngayong nakita na kita, I promised sweetie pupunan ko lahat ng pagkukulang namin sa'yo, at sana hayaan mo kaming gawin 'yon." Nakita kong bahagya siyang naluha.
"Dad h'wag mong sisihin ang sarili mo, I'm sure po ginawa mo ang lahat para itama ang mga pagkakamaling nagawa mo, may dahilan po ang lahat at nagpapasalamat din ako dahil nakilala ko sila, hindi ko po kayo sinisisi," pagpapaliwanag ko.
"Malaki ang utang na loob ko sa kinalak'han mong magulang, pinalaki ka nila na mabuting tao." Ngumiti siya at nagpatuloy na sa pag drive.
Marami pa kaming na pag usapan ni dad, at marami rin akong nalaman. Mahaba-haba rin kase ang byahe at matanong akong tao kaya naman sa maikling oras, ay para narin akong nando'n sa mga mahahalagang pangyayari ng buhay nila.
Makalipas ng ilang oras na byahe, dumating na kami sa mansyon. Namangha ako sa laki at ganda nito, hindi ako makapaniwala na ang mga nangyayari sa mga nababasa kong libro ay nangyayari ngayon sa buhay ko.
Pumasok na kami sa mansyon at mas napanganga paako sa mga nakita ko sa loob. sobrang ganda ng mga gamit at halatang mamahalin. Napako ang paningin ko sa isang babaeng nasa 40 siguro ang edad, hindi maitatanggi ang taglay nitong kagandahan. Nakangiti niya akong sinalubong at niyakap, ngumiti ako bilang tugon. Siya na marahil si tita Demeter ang asawa ni dad.
"Napaka gandang bata, ang amo ng mukha at kamukhang-kamukha siya ni Dianna." Naiiyak niyang sabi at hinaplos ang mukha ko bago ako niyakap nang mahigpit. Naging madamdamin siya, siguro dahil na rin sa kapatid niya ang yumao kong ina.
"Sweetie, siya ang tita Demeter mo ang kapatid ng mom mo at ang asawa ko sa ngayon," pagpapakilala ni dad.
"Hi po tita Demeter, nice to meet you po," bati ko nang nakangiti.
"Call me tita Dem, and nice to meet you too Alexandrine, alam kong pagod ka sa byahe kaya pinahanda ko na ang kwarto mo," sabi niya habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Bad Guy Series 1: Brother's Obsession
RomanceBad Guy Series 1: Brother's Obsession Rachel moves to her real family's house after knowing that she was adopted by the family of farmers, and her biological father is a multimillionaire. her life together with her father and her father's wife was...