Napangiwi ako sa harap ng salamin, ng makita ang repleksyon ko na naka suot ng kulay peach na dress na may eleganting desenyo.
"Napaka ganda mo talaga iha," puri ni manang Martha sa akin.
"Manang naman hindi ako komportable sa suot ko, hindi ba pweding mag t-shirt at jeans nalang ako?" pagre-reklamo ko.
"Naku! Ikaw na bata ka talaga, hindi pwede!" sagot naman ni Manang Martha.
"Tama po kayo, anniversary ng kompanya namin kaya dapat pormal," ani ko.
Ngumiti si manang at hinaplos ang buhok ko.
"Kamukhang-kamukha mo ang mama mo iha, napaka ganda rin niya ng huli niyang isuot ang dress na iyan," kwento niya nanlaki naman ang mata ko.
"Talaga po manang? Kay mommy po ba ito?" tanong ko.
"Iningatan ni Dem ang dress na ito dahil mahal na mahal niya si Dianna, kaya tignan mo at bagong-bago pa," sagot niya naman at tumango ako.
So kay mom pala ito, napa buntong hininga ako at sinikap na maging komportable sa suot ko. Nang makarating na kami sa venue namangha ako sa paligid, sobrang elegante at mga mayayaman ang mga besita, pero may mga empleyado rin naman pero hindi halata kase naka ayos sila na parang mga mayaman. Nabanggit rin ni tita Dem na pupunta din si kuya lalo na at siya ang magmamana ng kompanya namin.
"Tita Dem, 'di ba po hindi magkasundo si dad at kuya? Bakit si kuya parin ang magmamana ng kompanya?" mahina kong tanong kay tita Dem habang nasa isang table kami at si dad nag sasalita sa microphone.
"Dahil kayang-kaya ng kuya mo na patakbuhin ang kompanyang pinag hirapan ng dad at lolo mo," sagot ni tita at ngumiti ng matamis, tumango naman ako bilang pag sang-ayon.
"I would like to use this opportunity to introduce my lovely, gorgeous daughter, Louise Alexandrine Soriano," pagpapakilala ni dad saakin sa lahat.
Biglang napunta sa akin ang atensyon ng lahat, sobrang nahihiya ako pero minabuti kong tumayo at itago ang hiya gamit ang pag ngiti, nagpalakpakan naman ang lahat matapos noon ay naupo na ako.
"Soon magiging isa rin siya sa boss niyo but now baby pa siya ng family namin," pagbibiro ni dad.
Boring naman ang party gusto ko na sanang makita si kuya pero mukhang wala naman siya rito, gano'n ba talaga ka tindi ang inis niya kay dad?
Naglakad-lakad ako until nakarating ako sa garden, grabi ang yaman pala talaga ng family ko kase afford nila ang ganito ka ganda at eleganting lugar. Umupo ako sa bench ng may biglang mag salita.
"I'm having a bad day," simula ng baritonong boses, napatingin ako sa kinaroroonan niya pero 'di ko siya ma aninag, na sa madilim kase siyang sulok.
"Would you like to make me feel better? Lil'sis?" tanong niya at lumapit sa akin at napako ako sa aking kinatatayuan.
"R-raze," bulong ko at hindi makapaniwala.
Bigla niyang hinapit ang baywang ko papalapit sa kaniya, napayuko naman ako ng ma-realized kung gaano kami ka lapit sa isa't-isa. Naamoy ko ang mabango niyang perfume na nag halo sa amoy ng alak, walang dudang nakainom siya.
Bahagya ko siyang tinulak but he just chuckled, hinigpitan niya ang pag hawak sa baywang ko at nilapit niya ang mukha niya saakin.
"A-anong g-ginagawa mo?" I stuttered.
Mas nilapit pa niya ang mukha niya hanggang sa maramdaman ko na ang hininga niya. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko.
"Just kiddin', you look funny lil'sis," sabi niya at tumawa, tinapik niya muna ako sa balikat bago umalis at iniwan akong mag isa sa garden.
"Tinawag niya akong lil'sis?" nagtataka kong tanong sa sarili ko.
Ang liit nga naman ng mundo kung sino pa ang iniiwasan kong tao 'yon pa ang madalas kong makita. Ang init ng mukha ko, hindi ko man nakikita alam kong mukha na akong kamatis sa sobrang pula nito.
Ilang saglit pa ay bumalik na ako sa kinaroroonan ng lahat, hindi ko man sabihin pero halatang hinahanap ko si Raze pero nabigo ako dahil natapos lang ang occasion at hindi ko na siya nakita.
Kinabukasan maaga akong nagising dahil may pasok pa ako, well I can't be late sa klase lalo na at bago pa lang ako. Matapos kong mag ayos ay bumaba na ako sa kusina, nakita ko si tita Dem na nag hahanda ng breakfast kasama si manang Martha.
"Iha, kumain kana at baka ma late kapa sa klase," pag-aaya ni tita Dem at umupo na ako.
"Si dad po?" tanong ko.
"Nauna na siyang umalis, by the way iha nagkita na ba kayo ng kuya mo?" She asked.
"Si kuya? Hindi pa po eh," sagot ko naman at tumango siya.
"Dito siya natulog kagabi, umuwi siya para makilala ka," sabi pa ni tita Dem at bigla kong naalala si Raze.
'Just kiddin', you look funny lil'sis'
'lil'sis'
'lil'sis'
'lil'sis'
'lil'sis'
Napa sabunot ako sa sarili kong buhok ng maisip ko 'yon. Hindi kaya siya ang kuya ko? Pero impossible naman, napaka impossible.
"Iha ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni tita Dem.
"Ah eh oo po," nag aalangang sagot ko at sinubo nalang ang pag kain.
Matapos kong kumain ay umalis na ako, nagpumilit pa si tita Dem na ipa hatid ako sa driver pero tumanggi ako. Kaya gamit ang bike ko pumunta ako sa school, kahit maikli ang palda ko may protective short naman ako so nothing to worry about.
I'm glad dahil naging maayos ulit ang araw ko sa school yun nga lang, nakakapagod talaga as usual.
Bandang alas sais na ng makarating ako sa mansyon. Hindi muna ako papasok sa trabaho dahil nandito pa si dad.
"Iha hinihintay kana nila sa dinning room," bungad ni manang Martha saakin.
"Opo manang, dumating na ba si dad?" tanong ko at tumango naman siya.
Nag madali na akong pumunta sa dinning room at naabutan ko silang nakaupo na, pero napatigil ako ng mag salubung ang tingin namin.
"Sweetie maupo ka na," utos ni dad kaya umupo na ako.
"Sweetie I want you to meet your brother, Alexander Raze Soriano," pagpapakilala ni dad sa lalaki sa 'kin.
Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya, feeling ko ang liit-liit ng espasyo.
"H-hi, k-kuya," yun lang ang lumabas sa bibig ko
"It's strange, madali lang sayo ang sagutin ako sa harap ng ibang tao but now you're acting like a shy type." Tumingin ako sa kaniya at nahuli ko siyang nag smirk.
Naalala niya kaya ako? Siguro kase na banggit niya yung encounter namin noong papunta ako sa trabaho.
Napa kagat nalang ako sa labi at umiwas ng tingin.
"Nagkakilala na pala kayo?" Tanong ni tita Dem.
"We've met before but I guess hindi pa namin kilala ang isat-isa," he answered.
"Good, now let's eat," sabi ni dad at kumain na kami.
Ang manatili sa iisang lamesa kasama siya ay talagang napaka hirap. Pakiramdam ko bawat galaw ko binabantayan niya.
Papunta na sana ako sa kwarto ng magkasalubong kami sa hagdan. Napahinto ako at hinarap siya.
"About doon sa" hindi ko natapos ang sasabihin.
"Forget about that," pagputol niya sa sasabihin ko at umakmang di-diretso na.
"T-teka lang," pagpigil ko, tumigil naman siya at napatingin sa akin.
"Matulog kana," 'yon lang ang sinabi niya at dumiretso na.
"I'm sorry about doon sa nangyari," sabi ko at napayuko.
Napahinto naman siya sa paglalakad pero kalaunan ay dumiretso na rin.
BINABASA MO ANG
Bad Guy Series 1: Brother's Obsession
Storie d'amoreBad Guy Series 1: Brother's Obsession Rachel moves to her real family's house after knowing that she was adopted by the family of farmers, and her biological father is a multimillionaire. her life together with her father and her father's wife was...