Chapter 1: Meet the Parents

245 6 1
                                    

Chapter 1

Angel's Pov

"Angel san ka pupunta?"tanong sakin ng kuya ko

"May date po ako ngayon" magalang kong sagot sa kanya

"Kanino? Dun nanaman ba sa mokong na yun"Inis na tanong ni Kuya. Lagi naman eh basta yung boyfriend ko ang pinag-uusapan

"Ano ba kuya? Bakit ka ba galit sa boyfriend ko?"minsan kasi nakakainis na. Wala naman sa kanyang masamang ginagawa yung tao

"Alam mo Angel wala kasi akong tiwala sa kanya"masyado naman ata si kuya makapagsalita sa boyfriend ko

"Hindi mo pa nga kuya lubos na kilala ang boyfriend ko hinuhusgahan mo na siya agad"totoo naman na hindi niya pa lubos na kilala yung boyfriend ko kasi bihira lang silang kung magkita at mag-usap tapos ngayon kung makapanghusga siya

"Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong kilalanin ng matagal ang isang tao upang makilala mo siya ng lubusan kasi kung minsan sapat na ang maikling panahon na pagkakakilala mo sa isang tao upang lubusan mo siyang makilala. Tandaan mo yan Angel"

------------

"Girlfriend ayos ka lang ba?"nag-aalalang tanong sakin ni boyfriend. "Oo naman. Ayos lang ako boyfriend"tapos nginitian ko siya ng pilit

"Para namang hindi ka ayos girlfriend eh"ay ang kulit gusto paulit ulit. "Ano ka ba ayos na ayos lang ako boyfriend"

"Basta girlfriend pag may problema ka sabihin mo sakin. Alam mo naman ayaw kitang nakikitang nahihirapan"ba't kinikilig ako

"Wala nga kong problema boyfriend. Kain na lang tayo. Date natin toh eh"paglilihis ko sa usapan baka mamaya kasi hindi ko mapigilan yung bunganga ko at maikwento ko pa yung mga sinasabi ni kuya tungkol sa kanyang hindi maganda. Gusto ko sana kasing patunayan sa kuya ko na mali yung iniisip niya sa boyfriend ko

BrokenHearted turn into a HeartBreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon