And that was the very thing na ginawa nina Aian at ng best friend nyang si Jaypee to visit the very infamous Pet Stores in Cartimar.
"Eh bakit kasi ako pa ang isinama mo dito. Di ba dapat si Bruce ang sinama mo dito para sabay kayo makapili ng baby dog nyo?" Aian was uneasy with the set up, kasi mukha silang mag-partner ng best friend nyang si Jaypee habang pumipili ng bibilihing aso.
"Friend naman kita, kaya I wanted to get your opinion, and the most important thing is gusto ko kasi sorpresahin si Bruce. Kaya hindi siya ang isinama ko kung hindi ikaw." paliwanag na sagot ni Jaypee.
Sa totoo lang aware naman ang kanyang kaibigan kung bakit ganun si Aian kapag mga tungkol na sa mga pets ang pinag-uusapan, may gusto lang din kasing iprove si Jaypee kaya siya ang naisipan niyang isama.
"O sya, so ano, nakapili ka na ba? Ano ba ang mga options mo?" pagmamadaling tanong ni Aian, at sumagot ang kaibigan niyang "Ano ka ba, sandali lang... Hinahanap ko pa kasi yung specific pet store na nahanap ko online. Yun kasi ang pinaka well recommended na bilihan dito."
"Ah ganun ba? Okay... Pero any particular dog in mind?" Aian asked.
"Yes meron na, a cute black pug, yun kasi ang gusto nyang maging anak namin... Haha..." sabay tawa ng loko., singgit ni Aian "Sira ka talaga..."
"Pero seriously, yun talaga ang gusto niya, napag usapan na namin na we should be getting a dog in the house, pero walang final na usapan kung ano. Then one time nakita ko na nag-GOOGLE ng pictures, puro pug ang tinitignan niya. And out of nowhere nakita ko na lang sa wallpaper ng laptop niya ayun picture ng black pug. Pinalitan niya yung picture ko sa wall paper niya, at aso pa... Kaasar!" at napailing na lang si Jaypee.
"Nainis at nag selos ka naman, gumanti ka... Ipangalan mo sa asong bibilhin mo is "Bruno" tiyak maasarar yun." suhestyon ni Aian.
"Noted! Don't worry I'll consider that my friend... Nasan na kaya yung store na yun" medyo hirap silang hanapin yung tindahan na hinahanap nila.
"Bakit ba dun? What's special with that place? Eh ang dami daming pet store dito?" pag tatakang tanong ni Aian.
"Basta, you'll see kung bakit dun ko gusto pumunta, oh ayun na pala yun eh, kaya pala hindi natin makita eh nasa dulong compound pala." sagot ni Jaypee.
At nag lakad lakad pa sila ng ilang blocks, at narating na nila ang gusto nilang puntahan.
"Pet Haven? Haven talaga eh?" reaksyon ni Aian, "Eh nasan na yung mga pets? Bakit puro TV screen ang nandito?"
Hanggang sa nilapitan sila ng isang salesman. "Good Morning sir... I'm JM Barrientos po, is there something I can help you with?" tanong nito sa dalawa.
Likas na matanong itong si Aian, kaya hindi muna nila dineresto ang kanilang ipinunta, "Yes good morning din, Hmmm... Nag hahanap kasi kami ng kaibigan ko ng pet dog, ano ba ang pwede mong irecommend sa amin? He's currently into a condo living." paliwanag nito.
"Lap dogs po ang pinaka-advisable na pet para sa inyo sir. There are many kinds of lap dogs sir such as the Papillon, Pekingese, Pug, and the Chihuahua. Pero the famous ones are the Chihuahuas and the Pugs.

BINABASA MO ANG
Must Love Pets
RomanceRaw: hindi pa na eedit. So please bear with my grammar usage. Enjoy!