Prologue

138 4 3
                                    

I'm a fan guys, I'll try to make it into the tagalog version and I'm sure na mas malinaw etong gagawin ko HAHAHAHAHHAHA! Sa sobrang pagkapatay ko sa kanila ay grabeeeee!! Gusto ko gawin sa wattpad ko! Kaya ang aking hiling na mabasa at magustuhan ninyo.

-qqmartinez

......

Prologue

Naisip mo na ba minsan kung bakit de-pares ang maraming bagay sa mundo?

Tulad ng magkaibigan o... 'yung mga nagmamahalan.

Lalo na kapag nakita mo na ang kapares na talagang para sa 'yo, gagawin mo lahat, makasama mo lang siya.

Sa buong buhay ko ng pagiging chic boy.. marami na ko nakapares na babae.

..

Kumakain kami ng girlfriend ko dito sa isang resto, nang maisipan kong tanungin sya. May sinusulat sya, masipag mag-aral. Nakasalamin pero maganda!

"Ging, manuod tayo ng movie pag tapos ka na dyan, ha!" Sabi ko habang nakangiti sa kanya.

"May klase pa ako sa math pagtapos nito." Aniya na hindi nakatingin sa akin. Nanatili syang nagsusulat sa ginagawa nya.

Natigilan ako ng bahagya.

"Edi...bukas?" Medyo nag-aalinlangan pang sabi ko.

"Bukas?" Tanong nya at tumingin na sya sa akin. "May biology class ako."

"Kinabukasan?" Nakangiting sabi ko sa kanya. Tumingin sya sa sinusulat nya.

Tinignan nya ko. Napatingin ako sa daliri nyang astang nagbibilang.

"Physics, Chemistry, Social Studies, Science, English tapos Math nanaman."

Napabuntong hininga ako at napasandal sa kinauupuan ko. Kinuha nya ang ballpen nya at nagpatuloy sa pagsusulat.

...

"Say lychee!" Ani nitong girlfriend ko nanaman. Nagseselfie kasi kami. Clinick na nya ang button kaya natake na yung picture. Andito kami sa resto.

Tinignan ko sya. Tinignan nya ang picture naming dalawa sa kaniyang cellphone.

Napatingin ako sa baba at napagalaw sa upuan ko.

"Ang taba ko dito, ulitin natin." Bakas ang pagkadismaya sa mukha nyang saad.

Itinapat nya ang cellphone sa amin at aastang magseselfie nanaman kami. Dahil don ay pinagbigyan ko na sya, tumingin din ako sa camera.

"Say cherry!"

"Cherry!" Sabi naming dalawa.

Tumingin sya sa akin at tumingin din ako sa kanya, "Cherry." Sabi ulit namin dalawa.

Pagkatapos non ay tinignan na nya ang picture naming dalawa. Mukhang tapos na ata.

"Tapos ka na ba? Kain na tayo." Aya ko tapos hinawakan ko na 'yung kubyertos.

"Wait lang!" Pigil nya kaya napatingin ako sa kanya ng diretso. Nagtaka ako. "Isa pang selfie." Aniya.

Haysssstt naman!

"Selfie?" Pigil inis na sabi ko.

Itinapat na nya sa amin ang cellphone nya at tumingin na kami don. Pilit na ata 'yung ginagawa ko!

"Strawberry!" Sinabi naming dalawa at tinake na nya.

Mayamaya..

"Mag-bill out na tayo, nawalan na ko ng gana." Sabi ko sa kanya na nagpipigil ng inis..

...

"Anong gusto mo kainin natin babe?" Tanong naman nito ng girlfriend ko ULIT!

Andito nanaman kami sa resto.

Binuklat ko ang menu book..tinignan ko sya, "ano bang gusto mo, Noonnim?" Tanong ko.

"Kahit ano." Aniya.

"Ice cream?" Tanong ko. Naisip ko kasi na ice cream dahil gusto ko nito.

"Tataba ako dyan." Parang walang gana nyang sagot na di sa akin nakatingin dahil dyan sya nakatingin sa cellphone nya! Hays!

"Honey toast?" Sabi ko ulit, baka gusto na nya ito!

Tumingin sya sa akin at nagreact. "Masyadong matamis." Medyo nainis ako. Tumingin ako sa menu book.

"O pudding? Bingsoo? Choux cream?" Sunudsunod na tanong ko. Hayssss sana may mapili na sya!

"Yuck, masyadong boring." Boring din na sagot nya.

Pilit ngiti akong tumingin sa kanya!

"Eh, ano bang gusto mong kainin?" Mahinahong tanong ko habang nakangiti.

"Kahit ano."

Kahit ano? WTF! Ayaw mo nga nung mga sinasabi ko sa 'yo e!

Dahil dun napatayo ako, "arghhhh!"

...

Ito namang isa kong naging girlfriend. Andito ulit kami sa resto. Ang sungit ng mukha! Galit nanaman sya siguro sa akin!

"Galit ka ba sa akin, Namwan?" Mahinahong tanong ko at nakayuko ako. Nakakatakot kasi mukha nya! Hahaha!

"HINDI!" bahagya ako nagulat sa sigaw nyang sagot sa akin!

Napatingin ako sa gilid ko tapos bumaling ulit sa kanya.

"Pinagdiinan mo talaga 'yung hindi, ah. Kung may mali man ako nagawa, sorry na." Malambing kong pagkakasabi. Sana effective!

Ang sungit pa din ng mukha nya!

"Bakit nagsosorry ka? Hindi nga ako galit! HINDI AKO GALIT!" Tinusok nya pa yung tinidor sa mesa.

Hindi galit? Ehhh grabe nga 'yung tono ng pagsagot mo sa akin? Hays!

Napayuko ako, "kung hindi bak--"

Pinutol nya ang sinabi ko. So, ayon uminom na lang ako ng juice. Sya naman ay hinihiwa ang tinapay na malakas ang pwersa. Nalaglag pa nga ang tinapay na hinihiwa nya sa mesa.

Dahandahan ko naman ito kinuha at nilagay sa pinggan nya.

..

Hindi ko pa nakikita 'yung tao na para sa akin. Kaya pumasok ako dito sa university para mahanap 'yung "the one" ko.

Eto ako. Nakikipag-unahan sa mga babae para makausap 'yung nais kong taong gusto kong makausap. Salamat na lang dahil nauuna ako sa pagtakbo!

Hindi ko lubos akalain na 'yung tamang tao eh, sobrang kakaiba.

Ngayon, hingal na hingal ako sa pagtakbo. Nakaharap ko na 'yung nais kong makausap. Nakatingin sya sa akin ng diretso, kasama nya ang dalawa nyang sa tingin ko ay kanyang kaibigan. Nakatayo lang ako dito na nakatingin sa kanya.

...

Sabihin nyo kung ok ba o di kaya maganda para mag-update ako tas diretsuhin ko na hanggang ending HAHAHHAHAHHA! Thanks, sample lang to.. BAKA KASE MAREPORT! Pero pakisabi talaga kung pwede ganun, itutuloy ko talaga toh!

2gether: The seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon