TINE.
Nakapasa sa cheering audition pero hindi pa nakikita yung tamang tao para sakin.
Caption ko sa ipinost kong picture sa facebook na talagang napakagwapo ko! Nagselfie ako with my cheermates kaso nakatalikod sila hahaha!
(2 WEEKS EARLIER)
Nakaupo ako't ngiti akong nagsecellphone nang lumapit si ate Fang sa akin, short hair (mala-panlalakeng buhok) and sya yung leader of cheering.
Napatigil ako sa pagcecellphone at ipinakita sa kanya ang damit ko na inayos nya. Tumayo ako.
"Talagang sinukat namin yan para magkasya sayo." Aniya habang inaayos ayos ang suot ko.
Tumingin ako sa kanya, "kasya naman ate Fang." Mahinahong saad ko.
"Mabuti naman." Sagot nya na nakatingin pa din sa suot ko at nanatili pa ring inaayos. "Kanina ko lang nalaman na parehas pala tayo ng student code."
"Oo." Nasagot ko na lang, nalaman ko din.
"Ba't gusto mo maging cheerleader?" Tanong nya na inaayusan pa din ako. Napatingin ako sa mga babae na kacheermate ko at grabe nagandahan ako!
Dahil dun tinapik nya ako, nagkunwari pa nga ko natutuwa at itinuroturo pa sya!
"Gusto ko ng bagong experience at magkaroon ng mga bagong kaibigan!" Sagot ko habang nakatingin pa din sa mga babae na nandito.
"Uhmmmmm. Mabuti naman kung ganon." Binitawan na nya ang damit ko pero nanatili pa din ako nakatingin sa kanila. "Sya nga pala!" Aniya na may kinuha sa bulsa nya, "may nagiwan nito para sayo." Aniya habang binibigay sa akin ang papel na toh. Nagtaka naman akong nakatingin dito, hinawakan ko toh. "Hindi pa tayo nagpeperform, sikat ka na agad!" May pang-aasar na tonong sabi nya sa akin.
Napangiti naman ako. Pero sino nagbigay nito?
"Uy, wala lang to." Napapaiwas ko pang sabi sa kanya. Napapangiti pa ko! "Focus lang ako sa pag-aaral at university activities." Sabi ko pa.
Tinumb-upan nya ako gamit ang dalawang kamay nya. Nakakatuwa itsura ni ate Fang dito hahaha! "Mabuti yan!" Aniya. Napapatango naman ako. Muli nanaman nya hinawakan ang suot ko. "Sa susunod na linggo may meal meeting tayong magkakapareho ng student code." Tumigil sya saglit at tumingin sa akin. "kitakits na lang don." Maligayang sabi nya saka na sya umalis.
Napahawak naman ako sa suot ko nang pagkaalis nya.
Napatingin ako sa mga babae na nandito at napagtanto kong isa siguro sa kanila ang nagbigay nitong letter na hawak ko. Tama! Hahahaha!
"Bubuksan ko na." Pagpaparinig pang sabi ko na nakatingin sa kanila.
Napatingin naman sila lahat sa akin. Siguro kinikilig na yung isa sa kanila hahaha dahil inonotice ko tong letter nyang sinulat para sa akin. Ayieeee lang sa inyo! Hahaha!
Napatawa pa ako ng bahagya tapos tinignan ang letter at bubuksan ko na nga.
Pagkakuha ko sa sobre ay tumambad ang papel doon na may sulat na..
Tine, freshmen orientation pa lang pinagmamasdan na kita. May sasabihin ako sayo. Magkita tayo sa football field.
BINABASA MO ANG
2gether: The series
RomanceBOYS LOVE: 2GETHER THE SERIES TAGALOG VERSION IS NOW AVAILABLE IN WATTPAD APP!