Aurea POVOh my! Can't wait to see my friends. Naglakad na ako sa pasilyo patungo sa aming department. ABM ang kinuha kong course 'coz that's what my parents choice. Business nga 'di ba? But what my heart want is to become a successful doctor. I'm not on a right track but it's ok, nag-eenjoy naman ako sa company ng mga kaibigan ko.
Habang naglalakad ako, lahat ng mga nadadaanan ko'y sa akin napapatingin. 'Yong iba nama'y nagbubulung-bulungan.
"OMG! Siya ba 'yong sinasabi nilang Goddess ng ABM department? She's really gorg!"
"Hindi lang super ganda, siya rin ang top 1 of all SHS students!"
"Naols matalino at maganda!"
"Whoah! I wish I could be like her."
"May boyfriend na kaya siya?"
"For sure marami siyang secret admirer."
"Bali-balita na binasted daw niya yung Top 4 Campus heartthrob dito sa campus!"
"Omo! Haba ng hair ni ate ghourl!"
Hayysst! Nakakasawa nang pakinggan ang mga comments na 'yon but those words are my favorite music everyday.
So nakarating na ako sa room namin at halos mapanganga ang lahat sa pagpasok ko.
"Is that Aurea?" Gulat na tanong ng nakararami.
Sino ba naman ang hindi mamamangha sa total makeover ko? Idagdag pa ang wavy hairstyle ko na for sure gagayahin na naman ng mga girls sa buong campus.
"Wala talagang makatatalo sa kagandahan niya. Isa talaga siyang dyosa!"
Lihim naman akong napangiti sa aking narinig. Hindi nga ako nagkamali, konti lamang ang pumasok ngayong 1st day of school. Hindi rin pumasok ang mga Classy group where I belong. Maraming nag-offer ng upuan sa'kin pero mas pinili kong umupo sa harap. Walang sinumang nangahas na umupo sa tabi ko hindi dahil maldita ako. I don't know why pero takot siguro silang hindi makasagot kapag recitation.
Nagsiupo nang maayos ang lahat nang dumating ang isang teacher. Siya siguro ang panibago naming adviser.
"Good morning!"
Sabay-sabay kaming nagsitayuan saka bumati.
"I am Sir Jei Yu your new adviser and at the same time your math teacher."
"Ang pogi naman ng adviser natin." Bulong ng isang babaeng chubby sa aking likuran.
Tiningnan ko naman mula ulo hanggamg paa ang bagong adviser namin. Of course gwapo nga siya pero 'hindi ko type 'yong tindig. Parang may pagkamahiyain siya. Sana lang magaling siya kundi magiging usap-usapan siya ng campus kapag mali ang mga ituturo niya. Math pa man din.
"Ok class, may I have your classcard please. I want you to introduce yourself one by one using the first letter of your name as your description.
Hayysst that's why I hate first day of school. Lagi na lang ganito na puro introduce yourself. So ipinasa na namin ang classcard saka nagsimulang magpakilala. Since ako ang nasa harapan, ako na ang nauna.
"Hi, I'm Aurea Villaverde. Au is the symbol of gold in the table of elements. One of the precious element in this world. So you know what I mean." Taas kilay kong pagpapakilala saka lumingon sa aming adviser with matching bouncy hair and charismatic tipid smile.
Para namang namesmerize ang adviser namin sa ginawa ko.
"T-thank you Miss Aurea." Nautal na wika niya. Lihim naman akong napangisi.
Sumunod naman ang iba hanggang sa matapos ang lahat.
"That's all for today. We will start our new lesson next meet..."
"Good morning Sir! May I just ask if this is Grade 12 - Athena?"
And who is this girl?
"Whoaah!"
"She's simply pretty."
"Ang cute niya."
"Shut up!" Saway ko sa mga ignorante kong classmate. Parang ngayon lang sila nakakita ng maganda well in fact nasa harap pa ako. 😒😅
"Yes, why?"
"I'm sorry to distract you Sir but I belong to this class and I am a transferee."
"Oh so we have newbie here. Ok please introduce yourself to your new classmate."
"Magandang buhay po sa inyong lahat. Ako nga pala si Drei Gizelle Santos. But you can just call me Drei for short. Nice to meet you all."
Duhh?! Tagalog si ate ghourl. 😏
"Wow those smile!"
"Ang cute ng dimple niya."
"Mukhang may tatapat na sa Goddess natin dito sa classroom."
Nag-init ang tainga ko sa mga narinig ko. Kalma lang self! Mas maganda ka sa kanya.
"Thank you Miss Drei. Please have a sit." Tugon ni Sir Jei.
At mas lalong nag-init ako nang umupo siya sa tabi ko!!! 😤

BINABASA MO ANG
He or She
Teen FictionNagising na lang isang araw si Aurea na nahuhulog ang loob niya sa dalawang tao. Of all people, bakit sa dalawang kaibigan pa niya? The worst thing is that, girl at boy 'yong kinahuhumalingan niya! "Hey self! What's wrong with you? Gosh! You're not...