Drei POV
"Drei gumising ka na! 1st day of school ngayon malelate ka na." Sigaw ng lola ko. Agad naman akong napabalingkwas saka nagmadaling lumuklok sa hapagkainan.
Naninibago pa rin ako sa new environment ko. Ganito pala ang buhay sa siyudad bawal ang papatay-patay. Lahat ng galaw mabilisan hindi tulad sa probinsya. Napilitan lang naman akong pumunta rito because of family problem. Kinuha ako ng lola ko pansamantala para maipagpatuloy ko ang pag-aaral.
Medyo kabado ako sa pinaglipatan kong school kasi lahat ng mga mag-aaral do'n ay may kaya. Paano 'pag hindi ako makasabay sa kanila? Baka magiging katawa-tawa lang ako? Pero kaya ko 'to. Fighting! 💪🏻
Patapos na ang 1st period nang makarating ako sa school. Grabe ang lawak pala ng school! Nakakalula ang mga building ng bawat department. Hayysstt paano ko kaya hahanapin ang klasrum namin?
"Excuse me sa'n po rito ang ABM department?" Tanong ko sa nakasalubong kong estudyante.
"Bago ka lang ba rito?"
Tumango lang ako bilang tugon.
"Uhmm diretsohin mo lang ang pasilyong ito pagkatapos kumanan ka then makikita mo 'yong building na may nakasulat na ABM department. Do'n na mismo."
"Ok, maraming salamat!"
Tumakbo na ako patungo sa direksyong itinuro ng estudyanteng nakasalubong ko. Sa wakas nakita ko rin ang ABM department. Grade 12-Athena, 3rd floor so kailangan kong bilisan baka sakaling mahabol ko pa ang 1st period!
"Aaahhhh!"
Aray ko po! Napahandusay ako dahil sa pagkakabunggo. Pag-angat ko'y may lalaking napahandusay rin.
"So-sorry."
"Hindi mo kasi tinitignan ang dinaraanan mo!"
"Pasensya na nagmamadali lang talaga ako."
Agad akong tumayo saka nagtatakbo nang walang kalingon-lingon. Kailangan ko lang talagang habulin ang 1st period class.
Nang malapit na ako sa section na hinahanap ko'y nagdahan-dahan na ako sa paglakad.
"Good morning Sir! May I just ask if this is Grade 12 - Athena?"
Lahat ng mga estudyante'y napatingin sa'kin saka nagbulung-bulungan. Bigla naman silang sinaway ng mataray na babaeng nasa harapan.
"Yes, why?"
"I'm sorry to distract you Sir but I belong to this class and I am a transferee."
"Oh so we have newbie here. Ok please introduce yourself to your new classmate."
"Magandang buhay po sa inyong lahat. Ako nga pala si Drei Gizelle Santos. But you can just call me Drei for short. Nice to meet you all."
Nginitian ko sila. Napangiti naman ang lahat maliban sa babaeng mataray na nasa harap ko. Inirapan lang niya ako. At dahil wala nang space sa likod, wala akong choice kundi umupo na lang sa tabi ni ate ghourl. Kawawa naman siya, kaya siguro walang gustong tumabi sa kanya kasi parang may attitude siya but infairness maganda siya.
"Hi, ako nga pala si Drei, transferee ka rin ba?"
"Do i look like a transferee?"
"Ahh uhmm sorry, nice to meet you." Nginitian ko siya.
Tiningnan lang niya ako pataas at pababa saka tumalikod. Hindi nga ako nagkamali, attitude nga 'tong si ate ghourl! 😅

BINABASA MO ANG
He or She
Teen FictionNagising na lang isang araw si Aurea na nahuhulog ang loob niya sa dalawang tao. Of all people, bakit sa dalawang kaibigan pa niya? The worst thing is that, girl at boy 'yong kinahuhumalingan niya! "Hey self! What's wrong with you? Gosh! You're not...