Three
Monday na naman kaya maaga akong nagising dahil may pasok na. Nag ready na ako para hindi ma late. Classes have just started for a few weeks now.
Pero dahil sa kabagalan kong maligo at mag-ayos ay nahuli na nga talaga ako sa first subject namin.
Pagkarating ko sa school ay dali-dali akong tumakbo nagbabaka sakaling mauunahan ko ang lecturer sa room. Medyo malayo pa naman ang building ng senior high kesa sa building ng junior high. Sa likod pa kasi ito kaharap ng soccer field kaya malayo talaga ang lalakarin.
Hinihingal na ako nang makaabot sa room. Pasimple akong pumasok habang nakatalikod pa ang lecturer namin. Mahirap nang mahuli at baka bigla akong palabasin ng room.
Dahil ilang linggo pa lang naman nag start ang school year ay di pa naman gaano karami ang pinapagawa sa amin. Araw araw nga lang may mga assignment ngunit isa o dalawa lang naman.
Sa last subject namin ngayong hapon ay binigyan kami ng seat work na gagawin by pair. Siya na rin ang pumili ng magiging pair namin para hindi na magkagulo at matagalan.
"Alexandria," kinalabit ako ni Grace. Isa sa mga kaklase ko at pair ko sa seatwork.
"Oh, Grace, ano yun?" Tanong ko habang nag-aayos ng gamit.
Isa si Grace sa pinakamabait sa classmates ko. I mean lahat naman sila mabait sakin ngunit di ko naman sila masyadong kilala lahat. I don't have a friend group here sapagkat palagi naman akong umuuwi kaagad pagkatapos ng klase. Masyadong strict si daddy kaya kahit gustuhin ko mang gumala kasama ng mga kaklase ko ay hindi ko rin magawa. Alam niya ang schedule ko kaya wala talaga akong takas.
Hindi naman ako ginagawang outcast ng mga kaklase ko. Iyon nga lang ay naiinggit rin ako sakanila dahil mayroon silang mga kaibigan.
"Uuwi ka na ba? Or may pupuntahan ka pa?"
"Wala na naman. Bakit?"
"Ngayon na lang natin gawin yung seatwork para matapos kaagad."
"Sige, sa library na lang tayo dumiretso," sabi ko tsaka kinuha na ang bag at pati ang ilang notebooks.
Lumabas na kami ng room. Ala sais pa naman ng gabi nagsasarado ang school kaya may dalawang oras pa kami.
Medyo malayo ang library sa building namin. Kailangan pang pumunta sa building ng junior high since iisa lang ang library dito.
Nang malapit na kami sa library ay may madadaanan kang benches at tables kung saan pwedeng tumambay. Ngunit nahagip ng mga mata ko ang isang panilyar na lalaki. Laking gulat ko na lang dahil tama nga ang nasa isip ko. Siya yung bwisit na lalaking kumuha ng first kiss ko.
He was sitting on a bench with some of his friends I guess. Nakabukas ang tatlong butones ng uniform niya kaya kita ang suot nitong dog tag. Ang itim nitong leather jacket ay nakatali sa bewang niya.
Katabi niya ang isang grade na 11 na kilala sa batch nila. Ang isang kamay nito ay nakakapit sa braso ng lalaki at ang isa naman ay nakapatong malapit sa hita nito. Mga maharot!
Pero parang isang normal at tipikal lang iyon para sa lalaki. He was even whispering something to the girl's ear that made the little girl giggle.
But before I can scan them more, bigla itong tumingin sa gawi ko. Shit! Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. He raised an eyebrow at me, kaya iniwas ko na lang ang tingin ko at sumunod na kay Grace.
BINABASA MO ANG
Every Beat, Every Heartache (COMPLETED)
Художественная проза"...He made the greatest masterpiece for me, and that masterpiece is you..." READ TO CONTINUE!