Chapter 1

8 0 0
                                    

Ang buhay ng tao ay walang kasiguraduhan kung magiging masaya ka o hindi, at paano ko naman nasabi? dahil lahat ng bagay may kaukulang kapalit.

Magiging masaya ka ng panandalian ngunit kapalit din ay pang matagalang sakit at lungkot.

Kaya minsan mas gugustuhin mo nalang na maging plain yung nararamdaman mo, I mean not happy also not exactly sad either. Just PLAIN.

Marahil ganun talaga nakalaan ang buhay ng tao kasi nga naman para saan pa ang bukas kung perpekto na ito diba?

Pero naisip nyo ba bakit kaya walang perpekto sa mundo? kahit nga ang may likha ay hindi perpekto.

Katulad nalang ng naalala ko na nakwento ng teacher namin nuon kung bakit walang perpekto sa mundo, kasi daw  may isang nilalang daw na hinamon ang may likha, ang sabi daw nito "Gumawa ka ng bato ng walang sino man ang makakasira nito" Ang ibig sabihin, kung nakagawa man ang may likha ng ganuong uri ng bato ay maski siya ay hindi niya ito kayang sirain, it means hindi sya perpekto kasi may hindi sya kayang gawin iyon ay ang pagsira sa bato na kanya mismong ginawa, at kung iisipin mo kapag naman hindi kayang gawin ng may likha na gumawa ng ganong klaseng bato ay ganun parin ang kakalabasan nito, may isang bagay parin syang hindi kayang gawin. Gets nyo?

Katulad ko hindi ako perpekto.

matalino akong tao pero pagdating sa pag-ibig masasabi ko nalang na Champion ako sa katangahan,

"MARUPOK" sabi nga nila

Sa totoo lang? mahirap maging marupok, hindi mo matiis ang isang tao, na kahit gaano pa siya ka g@go at kahit paulit ulit ka man nyang saktan ay matatagpuan mo nalang yung sarili mo na pinapatawad sya kahit halata naman na option ka lang nya pag walang wala na sya

Pero masisisi nyo ba ko? Tao lang ako ng nagmahal ng sobra.

(Sus! gasgas ng line yan kung gusto mo may paraan puro ka dahilan)

Karamihang sagot ng mga tao sa paligid mo na walang ibang ginawa kundi ang pangaralan ka ng mga bagay bagay na akala mo napakadaling gawin.

Madaling sabihin, Oo, pero mahirap gawin.

They will tell you that it's okay, that you will be okay, that you will find someone else like it's so easy but in reality it's not! It's not that easy, it's not easy to find someone else, it's not easy to love again.

Hindi nila naiintidihan yung nararamdaman mo, ang akala nila na you're just being exaggerated, but they don't know how's the pain tortured you gradually, they don't know that heartbreak is not easy.

Akala nyo ba na madali yon?

bigla ka nalang matutulala dahil naiisip mo syang masaya na sa piling ng iba?

Hindi ka makatulog kakaisip kung ano bang mali sayo? kung ano yung pagkukulang mo? kung ano yung meron yung bago nya na wala sayo?

Bigla kang magigising sa madaling araw at matatagpuan mo nalang yung sarili mo na umiiyak dahil nag o-overthinking ka, Dati naman okay kami? bakit biglang nagkaganto?

Nawawalan ka na ng gana sa nga bagay bagay na dati naman ay hindi

Dati naman mababaw lang yung kaligayahan mo pero ngayon napakahirap na gumawa ng paraan para pasayahin yung sarili mo.

kung meron lang sanang gamot sa heartbreak baka binili mo na lahat kahit pa ang kapalit nuon ay ang kasiyahan mo, ganun kahirap makaalis sa sitwasyon na yun dahil kaya mong maging desperadong tao para lang mawala ang sakit na nararamdamang iyon

Kaya kung bibigyan man ako ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan mas pipiliin ko nalang yung panahon na hindi pa kita kilala,

at hindi na sana kita nakilala.

"Its better to live alone rather than to live in pain"

dahil puro ka lang pangako pero lahat ng yun ay napako

mga salita na nananatili na lamang na mga salita at hindi na nagawa.

Pero!

Hanggang  saan nga ba aabot ang pagiging marupok ko?

"JULIANNA IRISH LAXAMANA!"

Napabalikwas sya at mabilis na tumingin sa gilid nya dahil sa pagtawag ng kaibigan nya,

"Kailangan buong pangalan talaga? kailangan nakasigaw talaga ha? ELLAIKA RAYMUNDO?" Inis na sabi nya

Yan ang kaibigan nyang si Ellaika, Ellay for short

bakit nga ba napakaingay nanaman nito ngayon sa isip isip nya

"Tss. cut the raymundo! it's Rayearth! kanina pa kaya kita tinatawag haleeer? Tara labas tayo, Shopping tas gala! You're always nagmumukmok dyan, ohmy! girl? Are you crying again?"

Well Raymundo talaga ang surname nya but she prefer daw na Rayearth para daw may class, napailing nalang sya nung naisip ang dahilan nito

napahawak sya sa pisngi nya, basa at tama nga ang kaibigang si Ellay

sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi nya namalayan na umiiyak na pala sya

agad naman nyang pinunasan ang pisngi at nagiwas ng tingin dito

"No, ikaw nalang, wala--" Hindi nya na naituloy ang sasabihin ng unahan na sya nito

"Wala kong gana~" Nakairap na pagtatapos ng kaibigan sa sasabihin nya.

Napabuntong hininga nalamang sya

"Girl! Paulit ulit ka nalang ganyan, lagi kang walang gana! Look at your self you're so losyang na! Pinapabayaan mo yang sarili mo, sinasayang mo yung ganda mo! nakakaloka ka girl you know that? maraming nahuhumaling sayo kaya wag kang mawalan ng pag-asa! at Almost 3 months ka ng nagkukulong dyan sa room mo! Don't mind him na kase, he's not worth it anyways, sa dami nang ginawa nya sayong hindi maganda dapat mas pursigi ka na maka move on! Ipakita mo sa kanya kung ano yung sinayang nya! C'mon girl wake up! tanggapin mona na hindi talaga sya para sayo and besides mas maraming nagmamahal sayo, may mas better na darating para sayo, na papahalagahan ka at mamahalin ng walang sawa!yeah mas better kasi sa una lang sya magaling tss! and also that's why we're here lets go on shopping, pa salon na din us, omg! I have a bright idea, pa short hair ka na, para new look, they called it panga na move on hair cut , ohmy! so freaking exciting isn't? huh? huh?" pangungumbinsi sa kanya

"We're?" Takhang tanong nya

"Duh? Ladies and Gents! They are waiting na sa labas... again"

"Ladies and Gentlemen" Grupo ng barkada namin

Hindi lumilipas ang araw ng hindi laging nagpapakita ang mga kaibigan nya para kausapin sya at ipadama na hindi sya nagiisa, na marami pang nagmamahal sa kanya.

Uncontrollable FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon