Chapter 2

9 0 0
                                    

NP : Kung akin ang mundo (chorus)

~ Susungkitin mga bituin
para lang makahiling
na sana'y maging akin
puso mo at damdamin
kung pwede lang
kung kaya lang
kung akin ang mundo
ang lahat ng ito
iyaalay ko sayo~

"Juliana Irish Laxamana will you be my girlfriend?" Tanong ng manliligaw nyang si Hance Euwan Alvarez (hans yu-wan) matapos nitong haranahin sya

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, ang akala lamang niya ay isa lamang itong simpleng dinner ngunit hindi nya inaasahan na pinaghandaan talaga nito ang kanilang date.

Nasa tabi sila ng man made fountain at nakalatag ang lamesa na may mga pagkain at wine, hindi rin nawala ang scented candle, rose petals na nagkalat sa paligid at mga LED lights na nakapalibot sa kanila na nagpadagdag sa ganda nito.

"Yes Euwan.. yes!" Naluluhang sabi niya habang tumatango ng marahan.

Hindi sya nagdalawang isip na sagutin na ito kahit dalawang buwan palamang itong nanliligaw sa kanya dahil hindi naman ito nabigong iparamdam at ipakita sa kanya kung gaano sya nito kamahal, dagdag pa dito ay ang pagiging gentleman, mabait at gwapo nito, pure pilipino ang look nya pero masasabi mong napakagwapo talaga nito at may kalakihan din ang katawan na nagpadagdag ng atraksyon sa sinumang makakakita dito

At masasabi nyang dahil duon ay unti unti na siyang nahuhulog sa binata

"Thank you so much yana, I promise that I will do anything for you! I promise that I will love you more than my self, I promise that I will choose you over and over again, I promise na ikaw lang ang mamahalin ko hanggang dulo, gagawin ko ang lahat para maging masaya ka sa piling ko, hinding hindi kita sasaktan mahal ko dahil kapag nangyari yun ay mas dobleng sakit ang mararamdaman ko, Ipinapangako ko na hinding hindi ka magsisisi dahil ako ang minahal at pinili mo, I love you! I love you yana!" makabagbag damdaming sambit nito at agad naman syang niyakap at binigyan ng halik sa noo.

Dalawang buwan na ang nakaraan ng matapos ang proposal nito sa kanya bilang siya ay maging girlfriend nito

Nandito sila sa kwarto nya at nag mo-movie marathon silang dalawa habang kumakain ng popcorn

"Love? palitan mo na nga yang pinapanuod natin, ayoko ng drama, Avengers nalang panuorin natin" Sabi ni Euwan sa kanya habang nakahiga ang ulo nito sa hita niya at kumakain ng popcorn

"Hay nako edi sana duon ka nalang sa inyo manuod! ganda ganda na eh!" Pabalang na singhal nya at agad na pinalitan ang palabas

Nakatutok silang parehas sa Tv ng magsalita ulit ang kanyang nobyo

"love?"

"hmmm?" patuloy parin sya sa panunuod

"Naisip ko lang, Anong edad mo gusto magpakasal?" tanong nito sa kanya

napatingin sya dito, nakatutok parin ang mga mata nito sa TV pero bakas ang seryoso nitong mukha

"Mag papakasal pa naman mamamatay lang din naman" Walang hiyang sabi nya

Sumimangot naman agad ang nobyo at pinitik ang noo nya

"Aray naman, Nagtatanong ka tas nung sinagot magagalit, tanga ata eh" Sabay kunwaring irap at pinipigil ang pagtawa

"Ano nga kasi! Tinatanong ng maayos eh"

"Ano? Anunsyo!" Pangdedemonyo pa nya agad namang mas sumama ang mukha nito kaya sinagot na rin nya ng maayos

"Well, Gusto ko sana mga 25 years old love, bakit mo naman natanong?

"Wala naman love, 6 years pa kong maghihintay, not bad, fresh pa ko nun , 26 years old Haha"nakangiti ng sabi nito habang nakatitig sa mga mata nya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Uncontrollable FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon