24

73 6 0
                                    


Rumaraket si Joey sa isang parlor sa Poleray. 'Yon ang sabi sa'kin ni Gretchen dahil nakakausap niya sa cellphone si bakla. Medyo nakahinga naman ako na kahit papaano eh may napagkakakitaan pa rin siya. Kaso hindi na siya dito sa Lucia Heneral tumutuloy dahil nga medyo gastos kapag uuwi pa siya dito. Malapit lang naman ang Poleray dahil nauna lang dito sa Lucia Heneral pero syempre mas pinili na doon ni Joey tumuloy. Bakit kasi umepal si Monica. Pwede naman siyang magpatayo ng sarili niyang parlor sa ibang lupa. Bakit yung pwesto pa ni Joey. Nawala din tuloy ako ng isang raket.  Namomoblema tuloy ako dahil hindi pa kumpleto yung pambayad ko ng upa ngayong buwan. Ilang araw na lang e magbabayad na ako kay Ate Lily. Nakakahiya naman mangutang kina Gretchen dahil kailangan din naman nila pang allowance nila.

Ngayon ay Sabado at andito ako sa palengke. Kakatapos ko lang maglaba ng mga damit ni Ate Fe pati ni Claudia.  Nakisuyo din kasi siya sa'kin dahil may pupuntahan daw siya. Ewan ko ba sakanila, ang dali-dali lang sakanila na gumastos. Nakakainggit lang.

Wala namang pasok kaya pwede ako ng maghapon dito sa palengke ngayon. Baka makahanap pa ako ng pwedeng raket. Sabi ni Lorraine meron daw dito na naghahanap ng tindera sa bakery. Baka meron pa. Puntahan ko mamaya.

"Mukang nangangayayat ka lalo iha." Sabi ni Aleng Nena sa'kin. Ngumiti ako.

"Sanay naman po ako na ganito ang katawan, imbis na dumagdag e bumabawas pa." Ngumiwi siya.

"Nakakalungkot na wala na si Agnes. Siya pala ang nag-alaga sayo..." ngumiti ako at inayos ang mga paninda. Nakaupo kasi kami ni Aleng Nena dito sa pwesto niya. Hindi na muna ako naglibot para ibenta 'tong mga kakanin dahil medyo masama ang panahon at umaambon. Mabuti na lang pala at hindi ko inilabas ang mga damit.

"Oonga po e..."

"Hindi mo ba nakilala ang nanay mo, iha?" Umiling ako.

"Hindi po e. Pero alam ko po kung ano pangalan niya kasi kinekwento po sa'kin ni Lola. Pati po si tatay ko."

"Sino ang tatay mo kung ganon?"

"John po. John Madrigal." Napatigil si Aleng Nena at nag-iba ang ekspresyon niya.

"Bakit po? Kilala mo po ang tatay ko?" Tumango siya.

"Kilalang-kilala...."

"Talaga po? Saan po siya nakalibing? Dito po ba?" Umiling si Aleng Nena.

"Wala siya dito... sa Maynila siya inilibing."

"Po?" Tumingin siya sa'kin at hinawakan ang mukha ko. Umiiyak siya.

"Hindi pa ito ang panahon para malaman mo iha. Sige na magtinda ka na, may pupuntahan lang ako." pagkasabi niya non ay tumayo siya dala dala ang payong.

Ganon na lang ang kuryosidad ko sa sinabi niya. Anong meron? Bakit sa Maynila siya inilibing? Eh ang sabi ni lola Agnes dito sila nakatira noon. Dito nakatira si tatay at dito sila sa Lucia Heneral nagkakilala.

Nawala ang pag-iisip ko nang may pumitik sa noo ko.

"Bakit ganyan ang mukha mo? Namamatay tuloy lalo mga buhok mo." Ngisi-ngising sabi ni Drei habang nakapamulsa at may hawak na payong. Bakit siya andito?

"Ano bang problema mo sa buhok ko? Tsaka anong patay? Ang kintab kintab nga nito!" Nagkibit-balikat siya at umupo sa upuan ni Aleng Nena.

"Masarap ba 'yan?" turo niya sa puto-bao. Hindi pa siya nakakatikim non? Grabe naman. Ito pa naman ang paborito dito sa Lucia Heneral sabi ni Aleng Nena sa'kin. Hay nako, anak mayaman nga naman..

"Tikman mo para malaman mo." ngumiwi siya sa'kin.

"Baka may lason pa 'yan." Tumayo siya at kumuha ng isa. Tamo kakain din pala. Pagkakuha niya ay tinapat niya sa bunganga ko.

"Ikaw muna tumikim, baka diyan pa ako mamatay." Dagdag niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ayok----hmmmm! Para kang sira!" Sinubo ba naman sa'kin ng buo. Tumawa siya kaya napatigil ako. Hindi lang 'yon tawa, dahil totoong tawa 'yon. Kita ko sa mata niya na masaya siya at hindi malungkot.

"Shelton..."Lumingon siya sa'kin na tumatawa pa rin. Inayos niya ang buhok niya.

"Subuan mo na lang ako ulit kahit madami pa..." tumawa siya lalo kaya umiwas ako ng tingin. Nakakapanibago na makita siyang ganito...

"Hindi ko alam na gusto mo pala ng sinusubuan." inirapan ko siya. Kumuha siya ng isang puto-bao at kinain.

"Katanghalian andito ka tapos umaambon pa. Namamalengke ka ba?" Umiling siya. Tumigil na siya sa kakatawa pero nakangiti siya.

"Gusto lang kita makita." napatigil ako at umiwas ng tingin. Kita ko na nakatitig siya sa'kin.

"And besides... na-miss ko kaagad buhok mong puro patay." Tumawa na naman siya. Ano bang problema niya sa buhok ko? Hindi naman patay a! Tsaka sabi nga nina Gretchen ang ganda daw ng buhok ko.

"Alam mo kung mang-aasar ka lang, umuwi kana." tumigil siya sa kakatawa niya. Parang mas gusto ko na lang na laging busangot mukha niya e.

"Joke lang. Na-miss lang talaga kita. Iba ka rin e, ginayuma mo ata ako." Nanlaki ang mata ko.

"Anong ginayuma? Baliw ka ba?"

"Kung tatanungin, oo baliw sayo ata." Sinamaan ko siya ng tingin ulit pero tumawa lang siya ulit.

"Corny non, kadiri." dagdag pa niya kaya natawa ako. Abnormal talaga 'to.

"Bakit ka ba andito?"

"May inutos sa'kin si dad. Naalala ko na andito ka nga pala kapag umaga kaya dumeretso na ako. Bakit ba kasi hindi ka pumapayag sa alok nina mommy?" Umiling ako.

"Ayos naman na ako. Tsaka malulungkot lang ako na iwan sina Gretchen sa bahay. Kahit ilang buwan pa lang naman ako e napamahal na sila sa'kin." tumango siya at ngumiwi. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Ayos? Ang payat mo nga."

"Sexy lang 'yan...." biro ko. Ngumiwi ulit siya at hindi na umimik. Sakto namang may bumili kaya inabyad ko muna.

Hindi ko na siya narinig magsalita habang nagbebenta ako. Siguro tinamad na. Ganon naman siya lagi. Paiba-iba ng mood. Parang bakla talaga.

Tumingin ako sakanya pagkatapos kong suklian yung bumili. Laking gulat ko nang nakita siyang nagsusuka.

"Drei! Anong nangyayare sayo? Napano ka?" Tuloy tuloy siya sa pagsusuka. Ang dami naman niyang sinusuka eh isa lang naman ang kinain niyang puto-bao.  Umiling siya sa'kin at humingi ng tubig. Binigay ko yung tumbler ko na may lamang kalahati. Ininom niya 'yon at pinang-mumog.

"Wala 'to. Baka hindi lang ako sanay kumain ng kakanin." Kumunot ang noo ko.

"Ang dami mo namang sinuka. Ayos ka lang ba?" Tumango siya at ngumisi. 

"I'm fine. Napaghahalataan ka na talaga e." Hinampas ko siya sa balikat niya at umayos na lang ng tayo.


"Ewan ko sayo."

Searching Answers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon