28

70 6 0
                                    


Natapos na ang 2 days na Foundation. Si Drei, wala naman daw nangyaring masama sakanya, and sabi niya okay lang daw siya. Tumama lang daw ulo niya kaya sumakit. Kaya kahit nababahala ako, atleast okay siya. Hindi ko alam kung bakit sobra na lang akong mag-alala sakanya lalo na nung nakita ko yung mga ngiti niya na puno ng lungkot. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang ipakita 'yon sa'kin, or ako lanv taga najakaramdam na hindi totoong ngiti 'yon. Siguro dahil importante nga talaga siya...

Andito ako ngayon sa bahay, naglalabada. Sobrang dami nito ngayon dahil kasama ang mga damit ko at mga uniform..Sabado ngayon pero wala akong pahinga.

"Denniesse! Wala ka ba talagang balak sumali sa pageant?" Bumaba si Gretchen at umupo sa huling baitang ng hagdan.

"Sa December pa naman 'yon diba?" tumango siya.

"So, sasali ka?" umiling ako. Ngayon ay October na. Tatlong buwan na rin akong pumapasok. Dalawang buwan na lang ay pageant na. Hindi ko alam pero parang gusto kong sumali dahil baka manalo ako at pangbayad upa na din 'yon.

"Hindi ko alam, pag-iisipan ko."

-----
Dalawang araw simula nung nangyare sa court, absent si Drei. Hindi ko naman alam kung magtatanong ako kina Miko or pupunta sa bahay nila. Ano namang karapatan ko doon? Tsaka bakit ako magtatanong? Siguro tinamad lang siya pumasok... pero knowing Drei? Hindi ko pa siya nakitang umabsent simula pasukan. He's very focused sa pag-aaral. Okay lang ba siya? Pero sinabi niya na okay siya...

Ako ang pinagbabalingan ni Monica. Saakin siya nagagalit palagi kapag napapagalitan siya ng prof. Hinahayaan ko na lang. Si May pa yung pumapatol, hindi ako.

Lagi din niyang tinatanong si Drei sa'kin dahil yaya naman daw ako pero hindi ko naman masagot. Hindi ko din naman alam kung asan siya.

"Denniesse." tawag ni Monica sa'kin kaya lumingon ako. Nandito ako sa canteen, nag-aaral dahil may quiz mamaya kay prof. Maaño.

"Oh?" imismid siya.

"Bili mo ako tubig." tumingin ako sakanya ay kumunot ang noo.

"Yaya ka ni Drei diba? Pagsilbihan mo muna ako habang wala siya. Tutal, magkakabalikan din naman kami." Napatawa ako. Saan ba niya nakukuha yung mga ganitong act?

"May ginagawa ako."

"And so?" mataray na sagot niya at nilagay ang pera sa kamay ko.

"Yung malamig ha, YAYA. " Bumalik siya sa upuan niya at nakangising tumingin sa'kin. Bumuntong hininga ako at bumili na lang. Hindi ko gusto na magkaroon ng kaaway dito. Isa pa, scholar ako. Ayoko magkaron ng record.

Nilapag ko sa lamesa niya yung tubig pati na din yung sukli. Pagkatapos ay kinuha ko na yung mga gamit ko tsaka sumibat. Sumisigaw pa si Monica at tinatawag ang pangalan ko pero hindi ako lumingon.

"Aw..." Napatigil ako nang may mabangga ako.

"David..."

Ngayon ko na lang ulit siya nakita.

"Denniesse..."

Umayos ako ng tayo at inayos din ang bag ko bago ako tumingin sakanya.

"Kumusta ka?" Umiwas siya ng tingin.

"I'm sorry sa nangyare, hindi ko sinasadya yung nangyari kay Dre--"

"Nakita ko." Tumingin siya sa'kin.

"Denniesse, look... hindi ko sinasadya na m---"

Searching Answers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon