Are You My Brother? : Chapter 1 - Meet the Protagonists...
General POV
Sa isang mansion kung saan nakatira ang Rancho Family. Ang isa sa pinakamayamang pamilya sa buong mundo. Ay hinde buong bansa pala.
Merong nag-iisang anak si Maria Ayhenna Rancho at Fredderick Protacio Rancho na lalake na nagngangalang Don Joselito Rancho.
Masyado bang makasinaunang tao ang mga pangalan nila? Eh bakit ba? XD
Btw, back to the story.
Kilala si Don Joselito Rancho bilang Don o Jose.
Ipinasok siya ng magulang niya sa isang eskwelahang nagngangalang "Horseychu University"
Ayaw pa nga dapat ni Don na mag-aral doon pero pinipilit ng magulang niya na mag-aral siya doon dahil kung hindi, bibigyan si Don ng magulang niya ng napakaraming manika. Eh ayaw na ayaw ni Don sa mga manika, dahil nakakatakot daw yung mga mukha nila. De joke.
"Mom! Dad! Please! Ayoko talaga mag-aral dun! Tignan mo yung pangalan, HORSEYchu University! Pangalan pa lang loko-loko na, pano pa kaya kapag nagturo yung mga teacher doon pati yung estudyante loko-loko rin? Ayoko talaga doon!" Sambit ni Don na nagmamakaawang 'wag na mag-aral sa Horseychu University.
"Ayaw mo nun? Horsey, Kabayo, parang ikaw?" Sagot naman ng Daddy ni Don. Lalo namang kumunot ang noo ni Don.
"Dad, I'm dead serious. I really don't want to study to that freaking school."
"Sige. 'Di ka mag-aaral doon..." Sabi naman ng Mommy ni Don. Kaya biglang napalitan ng saya ang mukha niya.
"Talaga Moㅡ"
"Pero, maglalagay kami ng napakaraming manika sa kwarto mo at dito sa buong bahay. You know? I really love dolls. Hehehe" Pagputol ng Mommy ni Don sa dapat na sasabihin ni Don.
"MOM!" Angil ni Don at dumiretso sa kwarto niya.
"Bukas na ang pasukan Jose! Dun ka mag-aaral sa Horseychu University!" Sigaw ng Daddy ni Don.
Don's POV
"AAARRGH! BWISIT NA HORSEYCHU UNIVERSITY NA 'YAN!!!" Sigaw ko ng makapasok ako sa kwarto ko saka padabog na sinara ang pinto.
Sus! If I know, mukha lang kabayo ang may-ari ng eskwelahan na 'yon kaya "HORSEYchu" Ang pinangalan niya sa school niya.
At Sino ba namang matinong tao ang magpapangalan sa school niya na Horsey diba? At ang matinde, may "chu" pa sa bandang huli. Aba!
*ring ring ring ring ring*
Hinayaan ko lang yung cellphone ko na tumunog na parang baliw doon. Humiga na lang ako sa kama.
*ring ring ring ring*
"Ulol"
*ring ring ring ri---*
"ANO BANG PROBLEMA MO HA?!!" Sigaw ko pagkasagot ko sa bwisit na tumatawag na'yan!
"[Chill pare! Chill ako 'to!]"
"Aba pvtangina mo ba ha? Badtrip ako tatawag-tawag ka?"
"[Eh alam ko ba? Tsaka pre, may goodnews ako!]"
"Sa tingin mo ba may pake ako diyan sa goodnews mo?" Sarcastic na sabi ko. Nakakabwisit naman kasi.
Siya nga pala, siya si Paul. Tawag ko diyan Paula. May pagkabakla kasi eh. Yun ang tingin ko sa knya. Ang hilig kasing umakbay sa akin. Eh bakit ba? Nandidiri ako eh. Hekhek.
YOU ARE READING
Are You My Brother?
FanfictionLaging nagkakainitan si Don at Key. Laging nag-aaway. Parang mga Aso at Pusa. At nangakong di na magkakasundo... Eh paano kung may matuklasan silang di kapanipaniwala? Ano ng mangyayari kela Don at Key?