Gabi gabi nagbabasa ako ng EBook. Yun yung softcopies ng mga wattpad stories. That time, hindi ko pa alam na bawal ang ganun. Tapos habang naghahanap ako ng stories sa list ko, may nahagip ang mata ko.
My Husband Is A Mafia Boss
Inopen ko sya. There's no harm in trying naman eh.
Tapos nung nabasa ko yung Chapter 1, grabe. Sobrang tawa ko. Pero dahil gabi nun, tulugan na yung parents at yung dalawa kong kapatid kaya pinipigil ko lang yung tawa ko. Haha. Si Aemie kasi eh. Drug Pusher daw. Tsk. Slow.
Tapos nun lagi na kaming nagkukwentuhan ni Rose Ann about dun. Tapos nagmumukha na kaming baliw kasi tawa kami ng tawa habang nagkukuwentuhan aboutsa pagiging pagong ni Aemie. Haha.
Then one night, itinuloy ko yung pagbabasa ko, kaso putol! :'( Baka kasi nag aupdate pa si Author nun. Hanggang sa shipment kuno lang yung nabasa ko. Pero hindi ko makalimutan yung Honeymoon sa Amusement Park. Haha...
Mangyan pa ako dito. Haha. Hindi ko alam yung Wattpad. Tapos hanggang Ebook lang ako eh nasira yung cellphone ko. Kaya yun, ilang buwan akong nagtiis ng hindi nagbabasa. :3
++++++++++
Nung Nag G9 ako which is ngayong year lang, hinintay ko yung scholarship ko from the youth center. Plano ko kasing ipambili ng phone para lang MAKAPAGBASA ng wattpad. Nung nakabili ako, una kong hinanap yung MHIAMB. Nag search pa ako ng group nila at yun nga, natagpuan ko. Tapos inulit ko yung pagbabasa. Pero kahit na dalawang beses ko inulit yun, natatawa pa rin ako. Dun ko narealize na hindi lang patayan yun.
Sinabi ko na din sa pinsan/bestfriend ko na basahin din yun. Tapos sa school, magbabasa ako tapos tatawa na lang basta. Mukha akong baliw.
Nung nalaman kong nakabili na ng book nh MHIAMB si Rose Ann, nahili ako. Kasi naman, wala akong pambili. T_T .. Tapos puro project pa sa school, kaya yung pera ko nagagamit ko na.
Pero dahil dun, mas lalo akong nainspired. Lalo akong nagaral. I even promised to myself na pag naging top 1 ulit ako, I'll buy MHIAMB book para gift ko for myself. I really love MHIAMB lalo na si Author Yana. ^_^
Nain love din ako kay Kaizer. Haha.!! ^_^
I salute Ate Yana for writing such a wonderful and one of a kind story. I admit, hindi talaga ako mahilig sa mafia pero dahil sa MHIAMB, ngayon adik na ako. Gusto ko nga din paglaki ko maging agent or detective. Hindi para hulihin ang mafia, pero para makahawak ng baril at makaranas ng adventure.
Salamat po MHIAMB. I will keep on supporting this story till the end. Mahal ko po kayo. ^_^
BINABASA MO ANG
My MHIAMB story <3
FanfictionAng story kung paano ako naadik sa My Husband Is A Mafia Boss ni Ate Yana ^_^