Nang una kitang nakita, ako'y agad napahanga
Para bang anghel sa langit, agad agad natulala
Isang mutya sa dambana, parang prinsesa ang ganda
Tila ba isang diyosa, halintulad sa diwata...Nang masilayan ko yaong mata, ako'y nahalina
Sa kanyang mapupungay, mga munting pilikmata
Lumalaki, lumiliit, sa bawat pagpikit niya
Para bang hipnotismo, sa akin ang dala-dala.Ng tingnan ko yaong labi, ako'y tila nagising
Para bang isang pusikit, sa karimlan nanggaling
Labing nang-aakit, para bang nagsasabing
Ang makahalik dito'y, lahat ng sakit mo'y gagaling.Sa ilong niyang, hindi naman katangusan
Tipikal sa pilipina, tipikal na kagandahan
Bagay sa kanyang mukha, walang kapintasan
Ikaw ay huwag kukurap, ganda niya'y walang hanggan.Sa kanyang pagtalikod, napansin ko kanyang buhok
Hindi maigsi, hindi mahaba, at hindi rin naman kulot
Kulay nitong pulos itim, tinatago kanyang batok
Sadyang kaysarap amuyin dahil amoy pulot..Sa kanyang porma at tindig, tila isang anghel
Sa kanyang paglalakad, tila isang model
Lahat mapapalingon, kapag siya'y naka-high heels
Para bagang artista, laging naka maxi-feel..Ang talagang nakakahalina, ay ang kanyang ngiti
Tila isang mabilis na palaso, sa puso'y
nakakakiliti
Ang kanyang mga tawa'y , lubhang
nakakabighani,
Ala kang magagawa, para bang nababatubalani.Kanya namang ugali, ang pag-usapan natin
Mabait na kaibigan, siya'y anak na masunurin
Kaysarap na kasama , siya'y maalalahanin
Isang dakilang anak , sa kanyang pamilya at pamangkin.Wala kang masasabi, sa kanyang ipinakikita
Kung sa pagtulong lamang, di ka magdadalawang salita
Pera man yan o payo, tunay ngang siya'y dakila
Isang maasahang kaibigan, sa oras na ika'y walang wala.Kanyang trabaho, talagang pinag iigi sa ibang bansa
Mayroon pa siyang parttime, singit niyang gawa
Dagdag kita rin nman daw, kesa nga naman gumala
Mas mabuti pang nasa bahay , doon may kinikita.Sa simpleng pangarap, tinutupad niyang pilit
Hiling lamang sa Diyos, ito'y wag ipagkait
Tinitiis ang lungkot, buhay abroad na kay pait
Basta't ayos ang pamilya, sari-sarili'y huwag magkasakit.Konting pagod, konting tiis, lagi sa kanyang isip
Mahalaga'y sa konting sakripisyo, dollars naman ang kapalit
Kinabukasan ng pamilya , ngayon kanyang target
Di bale ng mahirapan, basta pangarap nila'y sulit.Anghel sa buwan, maitatawag mo sa kanya
Sa pag-ibig, sa trabaho maging sa pamilya
Tunay na kay sipag, kaysarap na kasama
Hindi ka niya iiwanan, saan man mapunta.Dangan nga lamang siya'y anghel na walang pakpak
Sa munting pangarap, pinilit na tumaas kanyang lipad
Upang sa dako pa roon, ito'y maabot at matupad
Tinitiis na pagod at hirap, para sa kaligayahang hangad.Topaz ☜
BINABASA MO ANG
Anghel Sa Buwan ☜
Poetry☜ "hindi ako ang buwan na iiwan ka pagdating ng araw. hindi din ako ang araw na iiwan ka pagsapit ng dilim. hindi din naman ang mga tala na lilinlang sa iyong paningin. ako ang magiging lahat ng ulap na yayakap sa mundo mo, maliwanag man o madilim."