Paghanga

36 5 0
                                    


Palihim ang pagsulyap
Sa iyong mga mata
Pati ang pagkurap
Tila nabibilang na..
Paggalaw ng labi
Sa t'wing ika'y nagsasalita
Ako'y napapangiti
Kapag kausap ka..

Nagsimula..  Sa wala lang..
Hanggang sa magkakilala..
Naging magkaibigan..
At naging mas malapit pa..
Sa pagdaan ng panahon.. 
Damddamin ko'y di mapigilan..
Siguro.. 
Higit pa dito ang aking nararamdaman..

Palihim ako.. 
Sa iyo'y tumitingin..
Palihim sa iyo'y nagnanakaw ng halik
Palihim.. 
Ang lahat ay naging lihim
Maski ang damdamin sayo'y nanatili nalamang lihim..
Nasasaktan sa tuwing makikitang may mahal kang iba...
Umiiyak tuwing gabi.. 
Dahil alam kong masaya ka na sa kanya..

Pero.. 
Nandito parin ako.. 
Umaasa..
  Umaasang magkaroon ng lugar sa puso mo.. 
Umaasang makita mo ang pagmamahal ko..
Kahit na pilit ko itong tinatago...
Aasa pa rin ako.. 
Na bakasakaling.. 
Mahalin mo din ako..

Sa aking isipan... 
Kay daming tanong na nagsisitakbuhan..
Kung sinabi ko ba.. 
Na gusto kita...
Sasabihin mo rin na ganoon din ang itong nadarama?
Kung pinili kong ibunyag ang lihim na pagtingin..
Ako ba ang iyong pipiliin?

Sa pagkakataong ito..
Ang lahat ay sapat na..
Sapat nang nakilala kita...
Sapat nang tayo'y nagkasama..
Sapat nang maging kaibigan ka..
At pipilitin ko nang kalimutan ang paghangang nadarama.

PaghangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon