Chapter 2

75 1 0
                                    

Thanks sa lahat ng nagbasa. XOXO

1 linggo na ang nakalipas.

"Haaay bespren, ngayon na pala tayo magvovote ng class officers noh." sabi ni Liane

"Eh ano naman? Hindi naman nila tayo kilala eh, kaya imposibleng maging officer tayo."

"Ikaw babae! Ang negative mo forever! Eh halos ikaw nga ang topic ng mga kaklase natin nung last week. Kaya sure ako manonominate ka. Hahahahh"

Binatukan ko siya. "Hindi no! Hindi din ako papayag na maging officer!"

"Whaaaat! Alam ko na ayaw mong maging officer kasi gusto mo maging muse"

Nagbeautiful eyes ako pag katapos niya sabihin yun at ngumiti ng abot tenga.

Binatukan tuloy niya ako. "Ambisyosa ka! E mukha ka kayang mangkukulam!"

"What a friend you are!" Sarcastikong sinabi at nagwalk out.

"Ishaaaaaa!" Sigaw niya puro nagtuloy-tuloy pa rin ako.

Pag dating ko sa taas ng gym namin, duon kasi tambayan ng mga mahilig magmoment. Duon ako umiyak at sumigaw. "Bakit ang lupit mo sakin mundo?!" sabay upo na.

"Tumahan ka na." nagulat ako kaya tumingin ako sa nagsalita at laking gulat ko kasi si Josh ... si Joshua Andrada! "Eto o panyo"

Humihikbi pa rin ako at ang nasabi ko na lang ng pabulong ung "Thanks"

Umupo siya sa tabi ko at nakatingin sa view sa harap. "Hindi naman malupit ang mundo sinusubok ka lang kung gang saan ang pasensya mo." Sabi ni Josh

Bakit parang alam niya kung ano pinagdadaanan ko? At bakit nga ba siya nandito? May problema din ba siya? "Ano kasi... Ano palang ginagawa mo dito? May problema ka ba?"

Tumawa siya "Wala, simula first day nung nakarating ako dito ito na ang gustong gusto ko pinupuntahan, tahimik at nakakarefresh ung hangin."

Ang gwapo talaga niya!

"E ikaw? Ah dito ka siguro sigaw ng sigaw sa problema mo sa mundo no?" at tiningnan ako ng nakangiti. Yung totoo, ang gwapo talaga niya.

"Hhihh..hindi ah!" Uy dila umayos ka! Nakatitig pa rin siya sakin at hinihintay kung ano ang dahilan kaya napakwento tuloy ako.

"Kasi simula elementary sinasabihan na akong mukhang mangkukulam kesyo mahilig ako sa itim at laging nakatakip bangs ko sa mukha ko at madalas kinakausap ko sarili ko. Tapos ung magaling kong bespren alam na nga niyang ayaw kong tinatawag akong mangkukulam eh inuulit pa." Yumuko ako.

Tinaas niya ung baba ko kaya nagulat talaga ako. "Alam mo maganda ka."

Ung totoo ang init na po ng pisngi ko at sure ako ang pula-pula ko na. "Hindi mo naman kelangan magsinungaling."

"Hindi naman ako nagsisinungaling Isha, maganda ka talaga." Sabay ayos ng buhok ko at inipit niya sa tenga ko. "Subukan mong tignan ang sarili mo sa salamin makikita mo ang sinasabi ko." Tumayo na siya at umalis kumaway lang siya habang nakatalikod na naglalakad.

"Anong sabi niya??" napahawak ako sa pisngi ko na sobrang init. Eto ba ung kilig na sinasabi nila? Ayyeeeee!

Ang daming nangyari netong 3 linggo.

"Hey, are you Isha?" tanong ng isang magandang babae sakin.

"Yes, why?" at sinampal niya ko.

"You ugly duckling! Stay away from my Josh!" tumawa ung dalawang kasama niya.

Hinawakan ko ung pisngi ko. "Ano? Magkaibigan lang kami ni Josh. Sino ka ba?"

Oo pag katapos ng paguusap namin sa top of the gym 3 weeks ago naging magkaibigan kami at minsan magksabay kaming kumakain ng recess at lunch.

"You don't know her?" Sabi nung nasa left niya.

"Iya hold this." Pinahawak nung sumampal sakin ung libro niya dun sa nagtanong sakin.

"I can't believe Josh spends his time with her." sabi naman nung nasa right.

"Alexa shut up!" ahh... siguro mga alalay niya tong si Iya at Alexa

"FYI I'm the queen bee of this school, 2yr, Sheika Ramirez. And I repeat, Stay away from my Josh or you won't like what I will do with you." Inirapan nila ako sabay sabay at umalis.

Ano bang ginawa ko? Masama bang makipagkaibigan? Naiwan ako at hindi ko alam na umiiyak na pala ako. "Ang malas mo Isha mukhang magiging empyerno nanaman ang buhay mo dito."

"Ishaaaa! Besss! And da..." tumatakbo at hinihingal si Liane pero nahinto siya bigla ng makitang umiiyak ako.

"Oo na, ang pangit ko umiyak."

"Isha sino gumawa niyan?" Paglingon namin si Josh.

Pinunasa  ko luha ko sabay ngiti. "Alin?"

"Bes ano ba bakit ka ba umiiyak at ang pula ng kaliwang pis..." hindi natapos ni Lian sinasabi niya dahil nagsalita ulit si Josh.

"I know this will happen, I'm sorry Ish..."

"ANO! ANONG SABI MO?! ALAM MONG MANGYAYARI TO? PUT@NG INA MONG LALAKI KA!" Sigaw ni Liane na naka clentch ung fist kaya hinawakan ko braso niya.

"Bes kalma lang malayo to sa bituka." at pinilit kong ngumiti

"KALMA? ISHA SINAKTAN KA TANGINA BAKIT BA ANG HINAHON MO PA RIN?!"

"Kasi wala akong nakikitang dahilan para magalit sampal lang un bes sanay na ko. Huminahon ka na lang kahit ngayon lang please."

"Hindi ko pa rin sila mapapatawad." sabi ni Liane na sa tingin ko pinipigilan ang galit

"Josh alis na kami ha. Sige" aalis na sana kami ni Liane ng biglang hawakan ni Josh braso ko.

"Isha I'm sorry for this." at hinawakan at hinalikan ni Josh ang pisngi ko

May Forever pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon