Minsan sa dami ng napagdaanan ko naitatanong ko na lang, "May Forever pa ba?". Ang hirap kasi maniwala, siguro nuong panahon ng mga lolo't lola ko meron. Dati kasi maraming pagdadaanan ang mga lalaki bago mahingi ang kamay ng kanilang sinisinta, eh ngayon kahit nga textmate mo lang di mo pa nakikita nagiging kayo na. Nuon kita mo kung seryoso, ngayong tinext ka lang ng mga sweet quotes kuha na matamis mong oo tapos malalsman mo na lang marami pala kayong tinetext niya ng ganun. Parang gusto ko tuloy magtravel sa past at baka dun makaranas naman ako ng true love na ipapakita, ipaparamdam at papatunayang mahal ka talaga. Intindihin niyo na ko kung emo ako, eh sino ba namang ayaw ng Mahalin ng tama gang FOREVER, lahat naman tayo.