"Aly! Gumising ka na! First day of school, late na late tayo!" bungad sakin ng aking annoying friend na si Sophia. 

Tinignan ko ang phone ko, 8 A.M. na! Nagmadali akong pumunta ng cr, I did my morning routine, and then hinila ko na sya pababa ng condo. Ano ba yan, sino ba kasing nag sabing uminom kami kagabi? Eh alam naman naming may pasok kami kinabukasan!

"Wag muna tayo pumasok", sabi ni Sophia.

"Ano first day absent?"

"Girl, chill. Adjustment week palang. May 1 week pa tayo para mag petiks at tumambay! Mag hanap muna tayo ng cute boys dito, sige na oh!" pagmamakaawa nya sa'kin.

"Sophia Marie, naiinis ako sayo. Ang sarap sarap ng tulog ko tapos ganito ka-aga aayain mo ako para mag hanap ng cute boys?" inis na sagot ko.

"Sige na, alam kong excited ka din to explore Manila since ngayon ka lang pinayagan ng mom mo na mag aral dito kahit taga Quezon City ka lang naman, and naka dorm ka pa! Kaya sige na please!" pag pilit niya sakin.

"Okay fine, pero pwede bang mag coffee na muna tayo?" aya ko sakanya, hindi man lang ako naka inom ng tubig o kahit ano kakamadali, eto lang naman pala mapapala namin.

"Parang mas bet kong mag Starbucks sa P. Noval! Ayoko sa Morayta, tutal dun naman tayo laging magagawi!" hinila na nya ako.


Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang mag isip isip ng kung ano ano. Paano kung dito ko mahanap yung love of my life ko? Ito nanaman ako, tinatamaan ng pagiging hopeless romantic. Wala lang, kasi naririnig ko sa mga kwento na madaming tao na madaming nagkaka love life na masaya simula nung nag aral sila dito sa Manila.

Lord, pagka loob mo na sa akin kahit isa lang, balato mo na oh. Promise, mag aaral ako ng maayos.

Imagine, nag lalakad kami dito sa Espana after classes, kakain kami ng dinner together, pwede kaming mag review ng sabay sa isang coffee shop. O kung gusto niya mag relax, pwede kaming uminom na malapit lang dito. I can't even imagine, pero ang saya lang isipin kung sakaling mararanasan ko din yon.

Nakapasok na kami sa Starbucks, ano ba naman 'to si Sophia, kaya naman pala gusto dito. Madaming ...pogi.

"Umorder ka na dyan, I'll find us a seat." sabi niya.

Naka pila ako habang naghihintay ng turn ko para mag order. Nakakatuwa naman tignan yung mga estudyante, siguro ang sisipag ng mga taga UST no? Kung tutuusin makikita mo ang coffee shop na puro excited ang mga mukha nila na pumasok sa unang araw ng klase.

"Are you gonna order something or just stand there?" hindi ko namalayan, ako na pala.

"Ay, sorry." ako na pala mag o-order, sobrang lutang te! "One venti, 7 pumps of hazelnut, breve, upside down, iced caramel macchiato and venti caramel frappe." Nautakan ako ni Sophia dun ha, kunware maghahanap ng upuan. Aba!

Nilapag ko ang bag ko at si Sophia naka ngisi, "Love mo naman ako diba? Inorderan mo na ba ako?" 

"Oo, at babayaran mo ako!"

"Eto naman, chill. Tandaan mo lang, babayaran kita mamaya." Scam.

"For Aly" tawag ng barista para kunin na ang drinks. Tumayo na ako para kunin yon, humingi ako ng water kaya medyo natagalan. Nagtatawag na yung isang barista ng names for the other drinks, nung pagka buhat ko ng tray at pagtalikod, natapon yung tubig! Luckily hindi naman ako nabasa, sa tray siya natapon. Pero may natapon na Americano sa sahig.

"Ah shit! Tumingin ka naman kasi--" natigilan kaming dalawa nung nagkatinginan kami.

"Aly???"

"Harold?" pag sagot ko, best friend ko siya since Grade 7, iyon nga lang nagka hiwalay kami ng school kasi nag Senior High School na siya dito sa Manila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love in Manila (University Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon