Chapter 2:

24 3 0
                                    

Raven's POV

"Ate Raven Maniego!" Sigaw sa akin ng isang babaeng hindi ko naman kilala pero sa school namin nag aaral.

Paano ko nalaman yun? Naka uniform kasi siya eh.

Humarap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay,

"Yes?" Tanong ko sa kanya.

"Ate Raven, pinabibigay sayo." Sabay abot ng bouquet of roses at isang love letter na naman yata.

"I'm -" hindi ko natuloy yung sa sabihin ko dahil umepal na naman yung mga epal kong best friends.

"Oh, para kay Raven? Pakisabi nalang sa nagpabigay 'thank you'" sabi ni ellery sabay kuha dun sa bouquet at sa letter.

Napaglare ako sa kanya. "Pakisabi din naappreciate ni Raven." Dagdag pa ni Danielle.

Ngumiti Yung babae at umalis na. Hinarap ko yung mga peste kong best friends na tawa ng tawa,

"Kelan pa kayo naging si Raven? Myghad. I'm supposed to say sorry dahil hindi ko tatanggapin yung bouquet at yung love letter but the two of you? WTF. You accepted it!" inis kong sabi kila Ellery.

"Hay nako Raven, kaya ka hindi nagkakalovelife eh. You're so arte!" Maarteng sabi ni Ellery.

"Wow naman, Nahiya ako bigla sa kaartehan mo." Sabi ko sabay talikod sa kanila at lumakad papasok ng room.

"Raven, ano pa bang hahanapin mo sa mga masugid mong manliligaw? Mga gwapo at may itsura naman, mayayaman, mga sikat" sabi ni Ellery

"at mga hunks!" Kilig na kilig na sabi ni Danielle.

Naupo na ako sa upuan ko at tinititigan yung mga loveletters at roses na Nasa table ko.

"Guys, alam nyo hindi naman kasi sa itsura ang pinagbabasehan para masabi mong mahal mo yung isang tao. Porket mayaman, gwapo o maganda, sikat o hunk eh mahal mo na? Nasaan ang love dun? Hindi yun love kundi pagnanais lang na magkaroon ka ng girlfriend o boyfriend na pangrampa.

At saka kung manliligaw sila, bakit hindi sa personal? Lagi lang nila iniiwan sa desk ko, Edi sana yung desk ko nalang niligawan nila.

Puro sila pabigay at paiwan effect pa. Sa panliligaw palang wala ng sincerity eh. Kaya wag nyo kong sisihin kung bakit wala akong mapili kasi Wala namang deserving sa mga katulad nila." I said to them habang nililigpit yung mga love letters sa desk ko.

"Sabagay, may point ka naman dun Raven. Pero hindi ka ba naiinggit Raven? Yung mga adik nga sa kanto may mga lovelife samantalang ikaw na napakaganda, talented, matalino at.. K. Fine, mabait eh walang love life." Tanong ni Danielle sa akin habang tinutulungan niya akong isalansan yung mga love letters.

"Hahaha! Bakit naman ako maiinggit Danielle? Dahil wala akong katawagang baby, by, bhe, mahal, babe at kung ano ano pang chuchung tawagan? Kung yun ang batayan para mag mahal ka Edi swerte ng manloloko. Tawagin ka lang nilang babe o baby eh mahal mo na sila. Edi humaba listahan ng mga naloko nila." Sabi ko kay Danielle.

"You know, Raven's right. Mag mahal ka dahil kusa mong naramdaman hindi dahil sa maraming nagpaparamdam na alam mo namang hindi deserving sa iyong pagmamahal. True love waits. Wag madaliin, hindi nakamamatay." Sabi ni Margaux habang kinokolekta yung mga roses.

Nahinto kami sa pag usap ng pumasok yung teacher namin.

Buti nalang at nailigpit na namin yung mga kalat na Iniwan ng mga peste kong manliligaw.









Kriiing! Kriiing! Kriiing!

Lunch time na namin kaya naman Nung pinalabas na kami ni Ms. Hughes eh dali dali naman kaming lumabas para pumunta sa cafeteria.

Pero bago pa man kami makalabas eh may humarang sa amin.

"Hi babe." Sabi nung lalaki sabay halik sa labi ng best friend kong si Ellery.

"Hello Babe!" Masayang bati ni Ellery kay Charlie sabay angkla sa braso ni Charlie.

Si Charlie Dwayne Valdez is Ellery's boyfriend.

He is a 3rd year high school in our school. Captain ball ng school's basketball team. Kilalang Casanova but they believe na since naging magkarelasyon sila ni Elllery ay tumino na ito. Would you believe that? Me? No.

I looked at them habang naglalambingan Sila sa harapan namin.

Nagugutom na ako! Hindi ba sila magpapadaan?

"Mawalang galang na kahit hindi naman kayo kagalang galang, kung maglalandian lang kayo sa harapan ko, mas mabuti pang tumabi tabi na kayo kung hindi papaslangin ko kayo." Mataray kong sabi sa kanila kaya naman dali dali rin silang tumabi.

"Hay nakooo. Napakasuplada mo talaga Raven Maniego." Sabi ni Charlie sabay gulo sa buhok ko.

Inayos ko naman Yung buhok ko, "Hoy! Charlie Dwayne Valdez hindi tayo close kaya wag mong guguluhin ang buhok ko." Sigaw ko sa kanya.

"Raven, calm down. Tara na kain na tayo." Sabi ni Margaux sabay tulak paalis kila Charlie.

Narinig ko namang nag paalam na si Ellery sa boyfriend niya. Sumunod sa amin si Ellery.

Sa cafeteria,

Nakaupo na kami sa table namin, hanggang ngayon naiimbyerna pa rin ako sa pesteng boyfriend ni Ellery.

Kahit na bestfriends kami ni Ellery, hindi ko pwedeng diktahan kung sino ang mamahalin niya kahit na ayoko kay Charlie dahil una sa lahat, buhay niya yun, choice niya yun.

Pangalawa, hindi ako yung magmamahal.

Pangatlo, hindi gawain ng isang best friend ang hadlangan ang kasiyahan ng kaibigan niya.

I know lagi kaming nag tatarayan pero we both know to ourselves that we love each other as Best friends.

Hindi ako nagsasalita, Ganon na rin naman sila.

Tahimik kaming nakaupo, "Ahmmm. guys, order na tayo ng foods?" Nag aalangang Tanong ni Danielle.

I know she's afraid na matarayan ko pero dahil mas feel kong manahimik hindi ko siya tinarayan.

"Tara na Danielle, I order nalang natin Sila." Sabi ni Margaux sabay tayo kaya tumayo na rin sina Ashleigh at Danielle at sumunod kay Margaux.

Naiwan kami ni Ellery sa table, I know naiilang din siya.

Lagi na lang kaming nagiging ganito, nagkaka ilangan kami every time na hindi ko napipigilan  yung sarili ko na tarayan yung boyfriend niya.

She knows naman how much I hate that guy.

"Raven." Sabi niya kaya Napatingin ako sa kanya.

"What?" I said.

"R-raven, I'm sorry...I'm-" pinutol ko yung sasabihin niya.

"Ellery, hindi mo kailangan mag sorry. I'm the one who should say sorry to you kasi dapat kahit na ayoko sa boyfriend mong si Charlie, I still need to respect him for he was still your boyfriend." Nayuko kong sabi sa kanya.

I feel guilty kasi instead na kay Charlie siya sumama she still choose to be with us.

Lumapit siya sa akin and niyakap ako,

"Oh please Raven, don't say sorry. Sige na this is enough. Masyado na tayong madrama eh." Sabi niya sa akin.

Tinignan ko siya at nagsmile ako sa kanya.

"Hahaha! K. Fine." Ngumiti na rin siya at nagyakapan ulit kami.

Single to TakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon