Prologo

24 2 4
                                    

Tick tock..

Alas dose ng madaling araw ang itinakdang oras para mawala ang mahikang inilagay ni fairy godmother kay Cinderella.

Sa loob ng oras na mga yon, ang pinakamasayang araw para kay Cinderella dahil natupad ang isa sa mga pangarap nya. Ang makasama ang Prince Charming nya.

Pero hindi lahat.

Takdang oras...

Lahat ng bagay sa mundo, may itinakdang oras dahil lahat ng ito ay hiram lamang.

Lahat ng bagay may expiration date. Lahat napapanis. Yung iba naman buhay pa, mukhang panis na.

Hindi mo alam kung kailan ka mawawala sa mundong to, kaya might as well enjoy every moment while it lasts, every fiber of your life.

Totoo nga na ang mga bagay, malalaman mo lang ang halaga kung wala na sayo. Dahil kung kailan wala na akong buhay tyaka ko lang naintindihan ang mga pahayag na yun.

Oo tama ka ng nababasa. Wala ng buhay.

Patay, Tsugi, Dedbols, Mummy, Multo, Mumu- in short.

Ako ay isang magandang nilalang na patay na dahil sa HAY NAKO AYAW KO NA ALALAHANIN PA. MAIISTRESS ANG BEAUTY KO!

"Enjoy every moment while it last" ika nga nila.

Pero sinong nagsabi na kahit patay kana hindi ka mag eenjoy?

Pa chill chill nalang ako sa mundong to.

Punta dito, punta doon.
Gala dito. Gala doon.

Para akong si Dora pero patay version nga lang.

Gusto nyo bang sumama sa mga adventure ko, mga kids? Kung ganon! Tara na sa next chapter!

Yie! I scroll mo na yan! Haha

***

Yo peeps!
Sana mag enjoy kayo sa pagbasa!
Take care!

The Ghost In The Orange PajamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon