Chapter 16

42 24 6
                                    

Chapter 16

TREAH'S POV

Nakasimangot ako habang tinitingnan ang sarili sa harap ng salamin. Eh, kasi naman. Sobrang laki ng eyebags ko dahil hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi. Pero buti nalang at may concealer ako para hindi naman halata pag papasok ako ng school.

Kinuha ko ang concealer na nasa harap at naglagay ng konti para hindi makita ang eyebags ko. Pero paulit-ulit kong sinubukan pero nakikita parin talaga. Useless lang pero bahala na, mas mabuti nalang ngayon kumpara kanina na hindi ko nilagyan. Dapat narin akong pumasok kasi ilang oras nalang, magsisimula na ang klase.

Lumabas na ako ng kwarto at dali-daling lumabas ng bahay kasi kanina pa ako hinihintay ni kuya Randel, ang driver namin. Hindi na ako nagpaalam kina lolo at yaya dahil nagmamadali ako. Akmang papasok na sana ako nang maabutan ako ni yaya kaya nilingon ko muna siya. At tiningnan ang dala niya.

"Hindi ka nag almusal, kaya dalhin mo 'to. Favorite mo iyang niluto ko." Iniabot niya sakin ang lunch box at pagkatapos ay nginitian ko siya.

"Thank you, yaya. The best ka talaga." Ani ko sabay yakap sa kanya. Nakita ko namang namumula si yaya sa ginawa ko nang kumalas ako sa kanya. Ngumiti siya sakin at pumasok na kaagad ako ng kotse.

Sa gitna ng byahe, tiningnan ko ang lunch box na binigay sakin ni yaya. Napangiti nalang ako habang tinititigan ito. Nacurious din ako kung ano 'to. Sigurado akong masarap 'to dahil sabi nga niya na paborito ko ang niluto niya.

Hininto ni kuya Randel ang sasakyan sa tapat ng gate at iniluwa ako nito palabas. Sinarado ko na ang pinto ng kotse at agad pumasok sa Campus. Mabuti nalang at nag-iba ang ihip ng hangin ngayon kumpara ng kahapon dahil hindi na sila nakatingin sakin. Buti nalang talaga kasi hindi naman ako celebrity para tingnan nila ako mula ulo hanggang paa. At nakapagtataka lang kasi ang iba ay gustong-gustong tinititigan sila pero ako, parang hindi ako komportable.

"Hi Treah." Bati ng kaklase ko nang makapasok na ako sa classroom. Sinuklian ko siya ng ngiti at pagkatapos ay nagtungo sa upuan ko. Nagulat naman ako nang makita ko si Adrian na andun na sa upuan niya. Ang aga niya pala ngayon.

"Good morning." Bati ko sa kanya at ngumiti. Inangat niya ang mukha niya at tumingin sakin.

"Good morning." Sagot niya at ngumiti rin. Umupo na ako sa upuan ko.

"Anong nangyari diyan sa mata mo?" Napahinto ako sa tanong niya at tumingin sa kanya.

"B-bakit, halata ba?" Kunot noo kong tanong.

"Ang laki ng eyebags mo." Napalunok ako at umiwas ng tingin sa kanya.

"Hindi kasi ako makatulog ng maayos kagabi." Ngumisi siya sa sinabi ko.

"Siguro iniisip mo'ko kagabi kaya hindi ka nakatulog." Nabigla ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman?

"B-bakit mo alam?" Napatigil siya.

"So, iniisip mo nga ako?" Taas kilay niyang sabi.

"H-hindi. Projects ko 'yung iniisip ko hindi ikaw." Sabi ko. At ngumisi siya. Napakunot nalang ang noo ko at iniwasan siya.

Maya-maya ay dumating na si ma'am kaya hindi na kami nagkausap pa. Hindi rin pinalampas ni ma'am ang araw na'to kasi nagpasurprise long-quiz siya. Nagulat nalang ako nang makita ko ang laman ng test paper na medyo mahirap. 'Yung iba, alam ko pero mas marami parin 'yung mahirap sagutan. Bahala na, sasagutan ko nalang ang makakaya ko at huhulaan ko nalang ang iba. Grabe, ang intense nito nakakasakit ng ulo.

Napahinto ako sa pagsagot nang may binigay si Adrian na kalahating papel sakin na may sulat. Kinuha ko kaagad at binasa kung ano ang nakasulat.

Samahan mo'ko.
-Adrian

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon