Chapter 9

55 37 10
                                    

Chapter 9

Maaga akong nagising ngayong araw dahil sabado na. Ang taas pa ng energy ko. Kaya nagpasya akong bumangon na kasi gusto kong magkape muna. Pagbaba ko, andun na si Lolo at papa sa sofa at may pinag-uusapan.

"Good morning Lolo. Good morning papa!" Bati ko sa kanila sabay yakap.

"Ang aga mo namang nagising, may pupuntahan ka?" Tanong ni papa sakin. Ngumisi naman ako.

"Wala, Pa. Ang taas lang talaga ng energy ko ngayon." Nginitian ko siya at tumungo na sa kitchen kung saan nagluluto si mama at yaya.

"Good morning, Anak ko!" Bati ni mama sakin habang hawak-hawak ang sandok. At hinalikan siya sa pisngi.

"Morning, Yaya." Bati ko sabay ngiti habang nagluluto siya ng pagkain.

"Ba't ang aga mo nagising, Treah?" Sambit ni yaya habang abala parin sa pagluluto.

"Gusto ko lang kasing magkape, yaya." Ngumuso ako.

"Naku, Anak! Naubusan na tayo ng creamer, eh. Siguro bibili nalang si yaya mamaya." Sabi ni mama.

"Ay wag na po, Ma! Ako nalang bibili sa convenience." Boluntaryo kong sabi.

"Sigurado ka?"

"Yup! Baka may bibilhin rin ako, eh." Nginitian ko sila. At umakyat kaagad sa kwarto para palitan ang pantulog kong suot.

Nag jogging ako patungong convenience para naman ma maintain ko yung weight ko. Ihahatid sana ako ng driver namin pero tumanggi ako kasi mas gusto kong mag jogging. Matagal-tagal rin kasing di na exercise ang katawan ko tsaka ang dami ko pa namang kinakain palagi. Mahirap na, ayaw ko pa naman tumaba.

After few minutes, nakarating din ako sa convenience para bumili ng creamer. Kaya rin ako pumayag kanina kasi kailangan kong bumili ng mga pagkain kasi ubos na ang mga chocolate at junk foods sa drawer ng kama ko.

Mabilis rin naman akong natapos bumili at pagkatapos ay nagtaxi na pauwi kasi medyo malayo yung Le Marcian City tsaka mabigat 'yung dala ko.

Ano kayang pwede kong gawin ngayon. Dahil sabado naman. Ayaw ko rin namang palagi akong mag stay sa kwarto dahil natetemp ako sa mga pagkaing binili ko.

Pagkatapos kong magbayad at lumabas sa taxi. Nagtaka ako kung bakit andito na naman ang kotse ni Adrian sa bahay namin. Sinilip ko pa sa loob ng sasakyan niya kung andun siya pero wala naman. Napa kunot nalang ako ng noo at pumasok kaagad sa bahay.Laking gulat ko nang makita ko si Adrian sa loob na nakaupo sa sofa. Napatingin naman siya nang makapasok ako. Di ko siya pinansin at dumiretsong naglakad sa kitchen para ilagay 'yung creamer. Nakita ko namang naghahanda si yaya ng juice.

"Yaya, sinong nagpapasok ng lalaki niyan dito?" Nagkibit balikat ako.

"Ang mama mo, Treah. Ang sabi kasi bisita mo raw siya." Sagot niya habang abala sa pagkuha ng baso.

"Asan ba si mama?"

"May kinuha lang sa kwarto niya. Yung papa at Lolo mo naman, andun sa garden nagpapahangin." Ngiti niyang sabi.

Bumalik ako sa sala kung nasaan si Adrian. Tumayo naman siya nang makita niya 'ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Dikit kilay kong sabi.

"Andiyan kana pala, Treah. Kanina kapa hinihintay ng bisita mo." Ngising sabi ni mama na pababa ng hagdan. "Ikaw muna bahala sa kanya. Pupuntahan ko lang ang papa mo." Bumaling ang tingin ko kay Adrian.

"Okay, may report tayong gagawin diba?" Tinaasan niya ako ng kilay sabay ngisi. Muntik ko ng makalimutan na may report pala kaming gagawin.

"Oo nga pala." Bulong ko sa sarili ko at tiningnan siya.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon