Monique's POV
"Haist," napahinga siya ng malalim, Hinihintay ko siya sanang magkuwento pero parang komplikado naman para sa kanya, mukhang mahirap para sa kanya na i-kwento ang past niya.
"Nakakatakot sabihin Monique, 'di naman kasi lahat naiintindihan ka," ani niya.
"Sebby, ayos lang naman kahit hindi mo kayang i-kwento, baka sa susunod. Makikinig ako," pagkasabi ko nun tiningnan niya ako sa mga mata.
Flashbacks.....
Monique's POV
Dismissal na kaya naman pupunta ako sa library para kumain, pagkadating ko nakita ko kaagad si Sebby may baon ding pagkain, kaya dumiretso na ako."I expect that you'll come here," wika niya.
"Alam ko naman kasing wala kang kasama dito," saad ko, saka naupo na sa upuang kaharap niya.
"Ummm Monique," napatingin ako sa kanya.
"Bakit?" tanong ko.
"I have to tell you something," saad niya kaya naman, kinabahan ako.
"Ano yun?" tanong ko.
"I like you," ani niya, ako naman natigilan sandali.
"I know na hindi 'to puwede, but Monique, I'm scared, this feeling can't be because i am just a nerd that can't save you from the gangster," wika niya, kasaluluyan akong natigilan, habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.
"A-ano Sebby, Hindi mo naman kailangang matakot, T-teka hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko-" may biglang bumukas ng pintuan, nakalimutan ko kasing isarado.
Flashback ends.....
Grabe! Hindi ko akalain na ganito pala kabilis ang tibok ng puso ko, KYAHHHHHH MONIQUE! Hindi ko naririnig ang malakas na hangin ng dagat pati ang alon nito, pawang siya lang ang nakikita ng mga mata ko. Ngumiti siya saka unti-unting lumapit ang mga mukha niya sa'kin, ilang inches nalang ang pagitan. Napatingin siya sa mga labi ko.
Agad kong naramdaman na dumampi ang malambot at mapupulang labi niya sa'kin, mas lalo kong naramdaman ang tibok ng puso ko, Hinawi niya ang buhok ko na sumasagabal sa mukha ko, Sebastian! Grabe 'yong ginawa mo, itong puso ko tila isang malakas na drum at tumatakbong kabayo. Napamulat din ako kaagad ng aking mga mata at siya rin, sa gulat niya siguro sa ginawa niya ay agad siyang lumayo.
"Sorry hindi ko sinasadya, Nadala lang ako sa nararamdaman ko," mahinang sabi niya, Medyo naging awkward para sa'min pareho.
"Siguro kailangan na nating bumalik sa school," sabi ko nalang, Bakit hindi ko masabi na may gusto ako sakanya, nadamay pa tuloy pati first kiss ko.
"Let's go," sabi niya, sumakay kami ng tricycle at tumigil sa sakayan ng jeep, sumakay kami sa jeep ng hindi nag-iimikan, pero nang bahagyang tumigil ang jeep ay napasubsob ako sa chest niya, masyado kasing masikip dito at rinig na rinig ko ang tibok nito, nagkatinginan kaming dalawa mata sa mata, saka napaayos ako ng upò ng umalis na ang aleng nakaupo sa tabi ko. Bumaba kami sa school, hindi pa rin kami nag-uusap, nang pumunta na kami sa library may napansin ako.
"Teka, Sebastian," may nakita akong maliit na pintok ng dugò sa shirt niya, kaya nilapitan ko siya, atras naman siya ng atras hanggang sa sumandal na siya sa may bookshelves.
"Sebby, ano 'yan?" hinawakan niya ang kamay ko.
"Sandali," pilit ko pang kinukuha ang kamay ko para sabihin sa kanya pero tinulak niya ako ng mahina kung kaya't napaatras ang kanang paa ko at umalis siya sa kinatatayuan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/198695853-288-k8775.jpg)
BINABASA MO ANG
Mobster Academy
ActionMonique Alferez, also recognized as Monique Gogh, is an enigmatic young woman compelled to join Mobster Academy, a school notorious for its association with organized crime. Confronting numerous challenges both within and outside the academy, she c...