Prologue

5 0 0
                                    

Prologue

" Mama sorry talaga ma. Nadala lang po ako eh. " sabi ko pa kay mama.

Naguguilty kase ako kay mama tsaka kay papa eh.

Nakita ko si mama na naiiyak na. Nasa camping kami nung sinabi ko sa kanya ang tungkol sa lalaking yon.

" Hindi kita pinalaki na ganyan Koda. Hindi ka pinalaki ni mama at papa na ganyan. Pinalaki ka nila na may takot sa diyos at sumunod sa sampung utos nito. " sabi pa ni mama.

Nakita ko ang luha na dumaloy galing sa mata nya.

Tiningnan ko ang papa ko na nasa malayo habang nakatingin sa bulubunduking tanawin.

Naguguilty rin ako kay papa.

Kung naguilty ako kay mama mas guilty ako kay papa kasi di kasi kami close tsaka I always talk back to him everytime he correct me from my mistakes.

I know it's wrong. I know what I did is wrong it will surely break people's heart. People who expect a lot from me.

But, tao lang kase ako nagmahal, nagpakatanga, nagpakatanga para sa aking mahal, nagpakatanga para sa pagibig.

O baka ako lang ang tunay na nagmamahal? Kase para lang syang naglaho na parang bula eh.

Baka ganto talaga ang pagibig noh? Kung kelan mo nalaman at naamin sa sarili mo na mahal mo ang tao tsaka naman sila aayaw sayo, tsaka ka naman nila iiwan.

Kung kelan ka pa naging matino sa relasyon, kung kelan ka pa nakaramdam na tunay na pagmamahal para sa isang tao tsaka ka naman nila iiwan.

Love is a risk. It's already up to you if you would take it and get hurt or choose to not take that risk but will be full of what ifs when you are already old.

Pero minsan kasi nakakatakot mag take nang risk lalo na kung di sigurado ang isa, kung walang kasiguraduan, kung mag tatake rin ba ang isa. That's why we always chose to let go of it and regret in the end.

Pero minsan worth it naman ang risk na nitake mo kapag maganda ang consequence nito. Lalo na kapag nag take ka ng risk para sa taong mahal mo tsaka mahalin ka pabalik o yung babalikan ka.

Nakita ko si mama na sinulyapan si papa. Natakot ako baka may sabihin sya kaya inunahan ko na.

" Mama wag mo naman akong unahan oh! Wag mo naman sabihin kay papa please lang! " nagmamakaawa nako.

Natatakot kasi ako na baka malaman ni papa eh. Natatakot ako na ma-disappoint sya.

Ever since I was a kid. I'm always our parent's favorite kase lalo na kay papa sa aming lahat na apat na magkakapatid.

Ako lang kase ang babae at ako rin ang unang apo kaya ako rin ang pinaka favorite ng grandparents ko. Tho we are all treated equally.

" No, anak di ko sasabihin sa papa mo. Private yan, usapang babae tayo lang ang makakaalam nyan." sabi ni mama pero iyak na iyak na talag sya.

Naiiyak na rin akooo!! Guiltyng guilty talaga ako sa ginawa ko.

Sorry mama, sorry papa. I failed you guys, sorry for disappointing the both of you. Sorry for breaking your expectations of me. Kung sana mabalik ko lang di ko na sana yun nagawa.

" Mama di mo ba ko sasampalin? " sabi ko sa mama ko habang natatawa.

Ano bang klaseng tanong yan Koda?

" Ba't naman kita sasampalin? " tiningnan ako ni mama habang may luha pari sa mga mata pero ngayon parang natatawa siya.

" Dahil sa ginawa ko po. " yinuko ko ang ulo ko.

SPARKS FLYWhere stories live. Discover now