-Minamahal kong Laura-
Sana itoy isang panaginip,
Hindi ko lubusang maisip
Ang dalagang minahal ko hanggang wakas
Trinaydor ako at kinuha ang aking lakas
Ngunit siya parin hanggang bukas.
O binibini, birhen ng langit
Kaaway ng dyosang venus sa kagandahan,
Babaeng aking pinaglaban
Kinuha ang aking puso at akoy tinakasan
Sa Adolfo aking kaaway,
Naway siya'y iyong maingatan
Dahil sa lahat ng laban , siya ang gyerang aking sinukuan.
(Ang binatang nakagapos)
YOU ARE READING
Kislap
PoetryHango sa kwento ng mga libro sa Filipino 🖤 Hindi man kita kayang abutin, ni maangkin, Ngunit sa gitna ng pagsubok at mga bituin, Tatandaan mo na walang tumbas na musika o harana, Ang pagpapahayag kung paano kita kamahal, masdan mo lamang ang aking...