-Ang Ibong Adarna-
Ako'y napahinto nang marinig ang isang boses
Ka'y tamis nang pagkanta
Ka'y tamis na marinig sa tenga
Inikot ko ang aking pagtingin, para bang nawawala ang ulirat sa akin
Nang mapagtanto ang isang diyamanteng puno, hindi ko namalayan ang pag kalas ng hawak sa espada
Nang makita ang ibon
Ang ibong Adarna.
Sa bawat paghinga at paghina
Lumakas ang paghanga
Sa Ibong kay ganda ng musika sa bunganga
Ay sa akin namang pagtulog na walang katapusang ginhawa
(Ang pag hanap sa Ibong Adarna)-sAm-
YOU ARE READING
Kislap
PoetryHango sa kwento ng mga libro sa Filipino 🖤 Hindi man kita kayang abutin, ni maangkin, Ngunit sa gitna ng pagsubok at mga bituin, Tatandaan mo na walang tumbas na musika o harana, Ang pagpapahayag kung paano kita kamahal, masdan mo lamang ang aking...