Virus Ng Lipunan

56 0 0
                                    


Lahat ay nag aalala, at marami narin ang nahawa. Ano ba itong dumapo, coronavirus na kumikitil ng buhay ng naparami.Nakakalungkot, nakakatakot, parang galaw ng mundo ay panandalihang tumitigil.

Kinailangan di me social distancing, di pwedeng makihalubilo sa nakararami, pro meron iilan na di maiwasan,  tulad ng mgadi kayang bumili ng maramihang pagkain at ung mga frontliners natin.

Mahirap, pro kailangan gawin. Sa panahong ganito, mabilis ang dating ng tulong sa iba ....Pro sa iba naman, maririnig mo lang, pro di mo makikita.Puro salita, bilis maibulsa.Ni repack ng mabilis, re repack pa ulit nung isa.

Akala mo ba, CoronaVirus lang kalaban,Di kaya mas malala ang Virus ng ibang nanunungkulan.Katakot ang Covid19, Pro mas katakot ang Virus ng Lipunan, Copit ng Copit yung iba dyan!

Ang Gobyerno ay mayroon ibibigay, pwede at kaya. Pro ito ay di umaabot sa dapat na madla.Virus ng Lipunan ay tunay na pahirap sa madla,Sila yung nag hihintay kung ano ang makukuha sa mga dapat pinamimigay sana.

Kaya kung minsan mapapa mura ka, kahit nag mamahalan mga bilihin.Sa kapal ng mga mukha ng ibang tao dyan,Kung kailan na kailangan mo sila, doon mo sila di makita.Kung tamaan ka nito salita ko, ibig sabihin ay Virus Ka!

Ikaw ano ang ung katungkulan?Kung di mo rin naman gagawin ng tama,Umalis kana sa pwesto mo at huwag ng dumagdag paBaka ipa Mcaffee, Sabay Norton Antivirus pa kita.

Ngayon na natin nakita, sino ang maaasahan natin talaga, Sila ba ung mga kabute na sulpunta pag botohan na,O yung mga tumutulong ng kusa, kahit di sila kilala.Itulong at ibigay mo yung para sa mga nangangailanganHuwag mong ibulsa or dahil ito ay hindi tama,Ito ay para sa nakararami, sana ay makunsensya ka.

Alam ko pagod narin tayo, lalo na yung mga talagang walang wala. Kahit ang ating Pangulo, parang susuko na ...Pro pinipilit parin nya gawin ang lahat ng makakayaTulad din natin, ang mga frontliners natin lumalaban parin,Umaasa na matapos na itong pagsubok na kinakaharap natin.

At huwag mo rin isisi sa gobyerno ang mga nangyayari,Ito ay di ginusto ng kahit na sino,Subukan mong mayroon karing gawin, di lang pansarili, kundi para sa nakararami.

Buti nalang marami parin ang tunay na mabubuti, Tumutulong sila ng kusa kahit galing pa sa sariling bulsa.Di ko naman nilalahat, meron din naman na sadyan tapat.

Pro meron iilan na Virus talaga sa Lipunan,Sila yung sumisira, sa inaayos ng iba,Mga walang kunsensya, puro nalang tayo pasensya!

Salamat sa mga gumagawa ng tama sa panahong ganito,Pero sa mga Virus ng Lipunan, mag bago na kayo,Bago pa "IKAW" ang tamahan ng sakit na ito.Mahiya ka naman sa balat mo !!!


Note: Photo credits to the rightful owner



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Virus Ng LipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon