Prologue

125 3 2
                                    

Napakasayang pagmasdan ang mga estudyanteng tuwang tuwa at nagtatalon sa sobrang kagalakang kanilang nadarama sa special na araw na ito. Araw na kung saan ay talagang masasabi mo na sa wakas tapos na din ang paghihirap ko at worth it lahat ng ito sapagkat sa araw na ito ay graduate na ako.

Oo graduate na ako dahil kabilang ako sa mga estudyanteng lubos ang kasiyahang nadarama ngayon.

"Hoy girl! Ngiting ngiti tayo jan ah? Kita mo si crush no?", sabi ni Clodine habang tinutusok ang pisngi ko.

"Tigilan mo nga iyan, makita ka nila inay at mapagalitan pa ako!", natatawang wika ko.

Tanging halakhak ang tugon niya sa akin ng biglang sumulpot si Queen. "Uy gaga papicture tayo sa crush mo! Makalaglag panty ang dating, leche ang pogi sis! Acck".

Tapos hinila na niya ako patungo sa bandang unahan. Nanginginig ang aking mga tuhod habang papalapit at may mumunting pawis na namumuo sa aking noo.

Konting lakad na lamang at malapit na ako sa kanya. Kitang kita ko kung paano siya ngumiti sa mga kaibigan niya na kailanman ay hindi niya ginawa sa akin.

Doble ang kaba ko ng magtama ang aming mga mata at doon ay nawala ang ngiting kanina lang ay nakapaskil sa maamo niyang mukha. Doon nagsimulang lumiit ang hakbang ko't nais ng tumalikod upang hindi na kami magtapo.

At ng di na muling mawarak ang puso ko sa mga salitang maaaring marinig mula sa kanya sapagkat alam kong ako'y isang hamak na babae lamang at hindi ako siya, na ang babaeng itinitibok ng puso niya.

"Pasensya na queen baka hinahanap na ako nila inay, alam mo naman palaging nagmamadali ang tatay umuwi. Bukas na lang tayo magkita ah!", at tuluyan na akong kumawala sa hawak niya at tumakbo ng mabilis paalis roon.

"Congratulations! Sobrang galing mo, sana maabot mo ang mga pangarap mo at maging masaya ka sa mga susunod pang panahon..", ang mga katagang nais ko sanang bigkasin sa harap niya ngunit namutawi na lamang sa aking isipan habang tinatahak ang daan palayo sa lalaking nagdulot ng saya at sakit sa akin.

Paalam sa iyo, salamat sa mga alaala..

Begging for his LoveWhere stories live. Discover now