*Skip time* 2 weeks after
Iya's Pov
Matagal tagal na rin nang huli kong nakausap si Vincent ay Vince pala sa chat
Wala lng naisip ko lng , dahil di ko pa siya nakakausap ng tuloy tuloy in person pero parang ang gaan ng loob ko , nag uusap nmn kami kung mag open siya nag convo kasi nga seatmates kami sa limang subj. Which is Trigo , Physics, Math , Mapeh , at History.
Ang ingay pa nmn nito kaya minsan na bbwisit ako HAHAHAH
Pero mula 3days ago kunti kunit na kaming nagiging closeHaynako ba't siya nnmn nasa isip ko
Sa kasalukuyan ay nasa Trigo Class ako at Nasa tabi ko si Vince
" Opening na daw ng mga clubs ngayon ano ba balak mong salihan?" humarap siya saakin habang naka patonv ang ulo sa kamay
" Pwede ba Daryll ? Mag sstart ka nanaman ng ingay , mamaya na yan nag leleson pa si Ma'am oh" at nag patuloy na ako sa pag susulat
" Nag tatanong lng nmn ,saka wag mo nga akong tatawaging Daryll, Vince sabi diba ?" reklamo niya
" Ewan ko hindi ko pa alam , saka ano naman kung tawagin kitang Daryll?"
Balik ko sakanya"Mamaya na yung mga tryouts sa sports may dala ka bang damit? Kung ayaw mokong tawaging Vince edi babe na lng mas maganda pa" aniya at tumawa
" Oo may dala akong damit , saka ayoko ring tawagin kang babe duh , Maganda naman ang Daryll ah" sabi ko sakanya at ngumiti
Vince's POV
Maganda daw ang pangalan ko sabi sakin ni Iya , ngayon lng ako napuri sa pangalan ko at na touch nmn ako non HAHAHAH parang bakla
"Oh may dala ka palang damit so Sports sasalihan mo?" Tanong ko sakanya
Ibinaba niya ang ballpen niya at humarap saakin
" Oo Volleyball pagsasihan ko , may problema ka ba don?" Sabi niya
" HAHAHAHA volleyball? Sa kaliit mong iyan ? Tingnan natin kung makapasok ka " asar ko sakanya at mukang gumana naman HAHAHA
" Okey , just watch" sabi niya at ngumisi
Tinawanan ko siya at nakinig na rin sa lesson
Hapon na at Last subject na namin ito, kasama ko parim si Iya kasi nga classmates kami , natapos rin ang History at nag si tayuan na kami
" Iya sabay na tayo hintayin mo ako"sabi ko sakanya at tumango naman ito
Inayos ko ang gamit ko at ipinasok sa bag at bumaba na kami
Habang pababa kami nakita namin si Seb
" Look Who's here , ba't kayo magkasama ha?" Sabi niya na nang aasar
Kasama niya pa ang ibang barkada na sila Rockie , Angelo , Lai , at Pia
" Kayo na ba iya?" Tanong sakanya ni Pia na nang aasar rin
"Oo kami na" sabi ko at inakbayan ko si Iya
Tinangal niya ang pagka akbay at Kinurot ako sa tagiliran
" Tigil tigilan mo nga ako Vince at baka mabatukan kita" Sabi niya at natawa nmn ako
" Alam niyo bagay kayo kaso puro kayo asaran HAHAHAH" Sabi ni Angelo at lahat naman kami tumawa
" Tara na guys sa Court baka ma late pa tayo" Sabi ni Lai at pumunta na kami sa court
Nauna ang try outs ng basketball which is kaming mga boys
" Iya paki bantayan nmn ng bag ko habang nag lalaro kami " Sabi ko skanya at tumango siya
"Sige , Goodluck" Sabi niya at ngumiti
parang natunaw ang puso ko at ginanahan akong mag laro dahil sa sabi ni Iya , feeling ko tuloy isa akong basketball player na may jowa , charot HAHAHAH
Nag warm up kami at after 5 mins. Ay nag start na ang try outs
Hinati kami ni coach sa dalawang teams para mag laban laban
Napunta naman kaming tatlo ni Rockie at Angelo sa iisang Team
Iya's POV
nanunood kami ng try outs nila Vince
Habang nag lalaro sila pinag mamasdan ko ang mga galaw nito
Totoo namang gwapo ito at maskulado , ideal type narin
Kaya ang daming babaeng na fafall dito eh , mabait naman pero minsan nasosobrahan sa kahanginan HAHAHHA maasar siya at nakakainis minsa pero ewan ko ba natutuwa lng ako kapag kasama ko siya"Huy Iya baka matunaw ka niyan kakatingin ki Vince!" Asar ni Pia sakin
"ewan ko sayo HAHAHHA"
nang nag shoshoot na si Vince ay tumingin muna siya saakin at kumindat
Sheett ba't nmn ganon Vince yung puso ko hoy! sabi ko sa isipan ko
Tiningnan ko siya at ngumiti at nag si tilian ang mga tao sa buong court
" shett ang hot ni Vince!"
"akin lng yann si baby Daryll aaaa!!"
"Sanaa ako na lng yung kinindatan niya"
"Ang swerte naman ni Iya "
" Siya ba yung kinindatan ni baby Vince?"
" Ang pangit naman , dapat ako na lngg!! Huhu"
Kung ano ano mga pinag sasabi ng mga babae sa likod namin , di ko na lng inintindi
" OMG iyaa!! Kinindatan ka ni Vincee , ang sweeettt!" Sabi lai with matching pakurot pa HAHAHAH
Natawa na lng din ako sa sabi ng mga barkada namin
Natapos na ang laro nila Vince at kami naman ang susunod
Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko
" Ang galing ko noh , bilib ka naman " Sabi niya at tumawa
" HHAHAHA Napaka hangin mo talaga" Sabi ko at tinapunan siya ng towel sa muka
Akmang aalis na ako kasama sila Lai at Pia para mag palit ng pang volleyball na damit nang hawakan niya ang kamay ko
" San ka pupunta? " Tanong niya na parang bata na ayaw mag pa iwan
" Mag bibihis lng , babalik rin ako kaagad" sabi ko at ngumiti siya at binitawan niya na ang kamay ko
Nasa Cr kaming tatlong girls at tapos na makapag bihis
" Hala ang ikli naman ng shorts natin " sabi ko
" Nanibago ka pa , star player ka sa dati mong school sabi ni Seb ah " sabi ni Lai
" Sabagay pero naiilang parin ako" Sabi ko sakanila at tumawa na lng sila
Lumabas na kami ng Cr para bumalik sa dati naming inuupuan
Vince 's POV
Lumabas na sila Iya ng Ladies room para bumalik dito
"hala ang ganda ni Iya"
"Ang Sexy , ligawan ko kaya"
"akin na yan"
" aabanhan ko kaya mamaya"
" Ang ganda niyaa parang anghel"
Nakaramdam ako ng inis ng marinig ko ang mga sinabi ng mga lalake
Nang makalapit si Iya
"Oh anong nangyare sayo ba't parang galit ka?" tanong niya saakin
" Ba't ang Ikli ng shorts mo?" balik ko sakanya at natawa siya
" Malamang mag Vvolley ball ako ano ba dapat mag pantalon ako?" Sabi niya
Naupo siya sa tabi ko dahil di pa nmn nag sstart ang warm up nila