Vince's POV
Naupo sa tabi ko si Iya dahil di pa naman nag sstart ang game nila
Kinuha ko ang jacket ko sa bag at ipinatong ko yon sa legs ni Iya
" Para saan to?" tanong niya at tiningnan ang jacket na nilagay ko sa legs niya
" Ang daming tumitingin sayo , nakakainis" Sabi ko at hininaan yung huling word
Ngumiti si Iya sa ginawa ko ,1 point na ko HAHAHAH
" Vince , iwan ko muna sayo itong phone ko ha mag sstart na kasi game" sabi ni Iya at kinuha ko naman yung phone niya
" Goodluck , di ka nmn marunong" sabi ko at tumawa na lng din siya
" watch me " Sabi pa niya bago tumaikod at umalis
Simula nung warm up nila titig na titig na ako kay Iya ewan ko ba kung bakit basta sobrang ganda niya , mabait , maamo, para ngang anghel , dagdag na rin natin yung pagka sexy WAHAHAHA
Makalipas ang tatlong minuto ay nag simula na ang laban
Ang unang nag serve ay ang groupo nila Iya , si Lai ang unang nag serve at gumawa ito ng ordinary na serve
Pasok sa net and serve ni Lai agad namang na recieve ng kalaban at bumalik kila Iya
Rinecieve ng kakampi nila papunta ki Pia At gumawa ng set papunta kay Iya at nag spike ito!
Nagulat ako dahil ang galing niya! Di pa nasalo ng kalaban yung bola at dumapo na ito sa sahig
"wohooo ang galingg moo Iyaaa!"
"Go Lai !!"
"Kaya mo yan Piaa"
"ang gandaa gandaa moo Iyaaaa!!"
" Ang Sexy Mooo! Goo Iyaaa"
Pinabayaan ko mga nag sisigawan kahit nakaka inis
Ewan ko ba kung bakit ako naiinis kapag may tumitingin ki Iya
Nang Si iya na ang nag serve halos lahat ng nasa court ay nag sigawan dahil di lng ordinary serve nag ginawa niyaa Nag Jump serve siya! At walang naka recieve ng bolaa ang galingg ng babyy koo! Este ni Iya hehe
Natapos nag na ang Laban , parang Sila Iya , Lai at Pia lng nmn ang nakaka punto sakanilaa , pero mas magaling si Iyaa
Lumapit si Iya sakin at binigyan ko siya ng bottled watter
"Binabawi ko na yung sinabi ko , ang galing mo pala" Sabi ko ki Iya habang pinupunasan ko ang pawis sa noo at sa muka niya habang umiinom ito
" Umamin nga kayong Dalawa , Mag jowa na ba kayo?" Tanong ni Seb na nang aasar nanaman
" Oo nga , para kayong mag Jowa" sabat ni Rockie
" Nag pupunasan pa , para nga talagang mag Jowa" dagdag pa ni Angelo
" Di pa , soon" Sabi ko at nag tawahan kami lahat
" Bar tayo tutal friday naman na , treat ko , college nmn na tayong lahat so pwede na diba?" Tanong Samin Ni Rockie
" Bawal Si Iyaa babyy pa yan" asar ni Seb
" Hoy pwede na ko wag kang ano jan " Balik nmn ni Iya Kay Seb
" Mauna na kayo dun Sunod nalang kami dun , hintayin ko pa tong mag bihis" Sabi ko at tumango naman sila
Nang naka alis na sila " Dapat sumama ka na sakanila kaya ko naman mag Isa"
Sabi ni iya sakin" Di kita papayagang pumunta don ng magisa lalo't gabi na ,baka mapano ka pa"
" Mag bihis ka na at baka matuyuan ka pa ng pawis , baka magkasakit ka pa lagot ako sa kuya mo"
Sabi ko at halatang nagulat siya
" You know my brother?" Tanong niya at tumango na lng ako
Habang hihintay ko siya sa labas ng Cr binuksan ko ang cellphone niya at tama ang hula ko sa password nito
Tiningnan ko ang Pictures niya sa gallery , ang ganda talaga nito , one picture caught my attention , ang cute niya dito naka ngiti siya habang may kayakap na stufftoy sinend ko ito sa number ko at dinelete kaagad para di niya mahalata
Chineck ko ang phone ko at naandun na iyon at ginawa ko itong wallpaper
Lumabas na si Iya Pero naka shorts parin ito , di nmn gaanong kaikli gaya ng kanina pero shorts parin ito
" Ba't ka naka shorts?" Tanong ko sakanya
" Bakit ,bawal na ba mag shorts?" tanong niya at nainis ako mas lalo
Kinuha ko ang bag niya at nauna nang mag lakad
