Chapter 4: Who's with him?

520 33 1
                                    

Y/N POV

Nagkukumahog na ako dito sa backstage dahil ang daming utos ng ibang staff saakin sumabay pa 'tong si Ken.

"Ang bagal mo naman talaga" reklamo ni Ken pagkaabot ko ng water sa kaniya. Katatapos ko lang gawin yung utos ng isang staff na bumili ng foods nila sa isang stall dito sa event. Siksikan at ang layo rin ng nilakad ko tapos uutasan agad ako ni Ken.

"Kaya mo pa?" tanong ni Stell saakin.

Tumango ako sa kaniya. "Oo, kayang kaya pa"

Ngumiti siya saakin pagkatapos ay bumaling na sa ginagawa niya. May biglang humila saakin at pinaupo ako.

"Oh" inabot niya saakin yung bote ng tubig na inabot ko sa kaniya. Tinignan ko siya ng may pagtataka sa mukha.

Ang bilis ng tibok ng puso ko at feeling may mga paro parong nagwawala sa tyan ko.

"Hindi ko pa yan naiinuman" nilagay siya sa kamay ko yung tubig. "Magpahinga ka muna diyan"

Pagkasabi niya 'non ay bumaling na siya sa mga kagrupo niya kasi anytime pwede na silang tawagin para umakyat sa stage.

Nagpipigil ako ng ngiti pero hindi ako kinikilig ah. Hindi talaga. Napatingin ako kay Justin na may nakakalokong ngiti saakin. Hindi ko na lang siya pinansin.

Pagkatapos ng event nila nung araw na 'yon ay may inutos ulit yung ibang staff saakin pati si ate Rappl may ibinilin.

"Yung mga gamit nilang damit, Y/N. Ilagay mo na sa likod ng van ayusin mo na lang ang pagkakalagay ah" sabi niya saakin.

"Okay po, Ate" tumango siya saakin at pumunta sa ibang staff ng ShowBT.

Ako naman ay pumunta na sa mga gamit na isinuot ng SB19 at inayos ito. Pagkatapos ay sumunod na ako sa kanila papuntang parking lot. Naabutan ko naman silang nag-uusap usap sa loob, nilagay ko na rin yung mga damit nila sa likod ng Van pagkatapos ay pumasok na rin sa loob.

Ganoon ang nagiging set-up namin tuwing may events sila, inuutusan lang ako ng ibang staffs tapos ay taga punas ng pawis ng SB19. Minsan nag-aasaran kami sa backstage. Ilang linggo na rin akong PA nila at masaya naman except kay Ken na sobrang nagsusungit pa rin saakin at madalas nakatutok sa phone niya.

Nasa company nila kami ngayon at nagpractice sila wala rin silang event. Lumapit saakin si Jah dahil break nila sa practice. Hindi ko alam pero nakatingin lang ako kay Ken sa buong practice nila ngayon. Tignan mo uupo ulit siya sa gilid at tututok ulit sa phone niya.

"Y/N ano palang number mo?" napatingin ako kay Jah na nasa tabi ko. Number?

"Saang number?" tanong ko sa kaniya.

"Phone number"

"Bago mo akong tanungin kung may phone number ako dapat tinanong mo muna kung may sim card ba ako" sabi ko sa kaniya na natatawa. Sila Stell naman ay busy rin sa pag-ayos ng bagong steps na iniba nila kasama si Josh at Sejun.

"Wala kang sim card?" tanong ni Jah.

"Wala akong phone" diretsang sabi ko sa kaniya.

"Ano?! Wala kang phone?" sigaw niya at mukhang nagulat pa. Napatingin tuloy silang lahat saamin.

"Sinong walang phone?" tanong ni Sejun.

"Si Y/N"

"Ano ka ba, Jah? Naalala mo bang hindi yan galing dito sa mundo natin, remember statue siya kaya malamang wala siyang phone" paliwanag ni Josh sa kaniya.

"Exactly statue siya kaya bakit siya nandito at ginugulo tayo" sabi ni Ken sa gilid habang nakatingin sa mga mata ko. Parang natutunaw ako sa mga tingin niya pero masakit rin pala yung sinabi niya.

Statue Fall In Love With Me (Ken Suson Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon