Prologue

0 1 0
                                    

"Pakawalan mo ako nako please. Parang awa mo na. Pakawalan mo ako. Ayoko pang mamatay" mangiyakngiyak kong sabi. Papatayin nya ako. Papatayin nya rin ako katulad ng ginagawa nya babaeng kasama ko ngayon na  naliligo  na sarili nyang dugo. Nakakadena ang mga paa at kamay ko ng magising ako dito sa kwartong ito. Buhay pa kanina ang kasama ko  pero pinatay nya. Pinatay nya na parang hayop. Baliw sya. Baliw. Hindi magagawa ng matinong tao ang ginawa nya.

"Shhhh." Dinikit nya ang isang daliri nya sa bibig nya na sinesenyas na wag akong mainay. Pinilit kong tumigil sa pag iyak ngunit ayaw tumigil ng pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. Tahimik akong umiyak habang pinapanood nya ako. Ngumiti sya ng malademonyo at humakbang papalapit sakin. Hinawakan nya ako sa panga at pilit hinarap sa kanya. Pumalag ako dahil ayaw kong makita ang demonyo nyang muka.

"Bakit naman kita papakawalan. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko makuha ka lang. Nakikita mo ba ang babaeng yan? Hindi ka ba nagtataka kung bakit yan andito? O baka hindi mo sya mamumukahan. Tignan mo ang muka ng babaeng yan" pinilit nya iharap ang muka ko sa babaeng nakahilata na sa lapag ngayon. Hindi ko sya makilala kanina dahil madilim at puro ungol nya lang ang naririnig ko at ang pilit nyang kumakawa sa kadena nya. Familiar sya. Oo kilala ko ang babaeng ito. Classmate ko sya. Sya yung mataray sa section namin. Bakit nga ba sya nandito? Pano sya napunta dito? Malamang kinidnap din sya nitong baliw na to.

"Kilala mo na? Hahaha sya lang naman ang malanding babae na sunod ng sunod sakin. Ang kati nya kasi at sakin pa gustong magpakamot? Well, ginawa ko lang kung anong gusto nya ayan sya ngayon. Hahaha!!!" Tumawa sya ng malademonyo

No! Kilala ko si Anie. Hindi nya magagawa yun. Alam ng lahat na mataray sya pero hinding hindi nya magagawa ito. Mahal nya ang boyfriend nya.

"Bakit mo ito ginagawa? Wala akong kasalanan sayo. At wala akong natatandaan na ginawa ko sayo" mahina kong sabi. Hinila nya ang kadena sa kamay ko kaya nakasubsub ako sa kanya. Hinawakan nya muli ako sa panga. Medyo masakit ang pagkakahawak nya .May galit ito dahil sa higpit ng pagkakahawak nya.

"Alam mo kung bakit ko to ginagawa? Kasi mahal kita. Mahal na mahal kita at gusto ko sakin kalang. Nababaliw ako pag naiisip kong pag mamayari ka ng iba! Pero ngayon siguradong akin ka na. Hindi na tayo magkakahiwalay. Dito, dito sa basement na ito makakasama na tayo habang buhay"

God, help me. Baliw tong tao na toh. Jhena help me. Papatayin nya ako at alam ko yun dahil baliw sya.Gusto ko pang mabuhay. Nag mamakaawa ako. Jhena find me.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Choose Me Where stories live. Discover now