Jasmine
"Jasmine! Gumising kana malalate kana sa trabaho mo, anung oras kaba natulog at na tanghali kana sa gising ikaw talagang bata ka" rinig ko ang sigaw ni mama galing sa pintuan ng aking kwarto. Bumangon na ako at tinignan ko ang or as an sa Cellphone ko. Matatawa ka nalang talaga sa sinabi ng nanay ko. Anung oras palang 5:36am HAHAHAHA at yung oras ng trabaho ko 10:30am nako ikaw talaga mama ang aga ng late mo hayss, sabagay matagal akong kumilos.
Bumangon nako at iniligpit ang hinigaan ko sabay s labas ng kwarto at uminom muna ng tubig, ang sabi kasi ng Lola ko nakakatanggal daw ng Fats yung pagising mo wag agad mag mumog at uminom ng tubig, nakasanahan ko naman na yun kaya yun, Tinignan ko si mama na nagluluto sabay tawa HAHAHA
"Ma anung oras palang dapat si Jade at Jhes ang ginugising mo dahil may pasok sila Hindi yung ako na 10:30am ang pasok, baka gusto mo ako ang naghugas kaya ginising moko ng maaga no?" Sabi ko sabay kalabit ng bewang nya
"Haynako talaga, ikaw ang paghuhugasin ko ngayon, kahit na nag hugas ka ng pinagkainan kagabi ikaw padin paghuhugasin ko, kaya gisingin Mona mga kapatid mo at mag-ayus ng pagkakainan nila" saad naman ni mama at agad akong kumilos para mag-ayus ng pagkainan namin.
Papunta nako sa kwarto ng kambal Kong mag kapatid ng marinig ko ang pagring ng Cellphone ko, agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag,
"Hello? Sinu ho ito?" Una Kong sinabi bago sya nagsalita,
"Hello po Ms. Jasmine, Secretary po ito ni Boss Chris, maaga daw po ang meeting nyu ngayon. 8:30 ay andito napo kayo sa hide out ng SBA. BTW Goodmorning Mam" napakamot nalang ako sa batok ko
"Ahm, bakit daw? May nangyare nanaman ba? " tanong ko kay Claire muka sa kabilang linya
"Idk Mam, sabi naman po ipatawag ka"
"Ah okay, sige I'll be there at 8:30, thank you and good morning" sabi ko at pinatay na ang tawag,
Agad agad akong pumunta sa kwarto ng kambal at ginising sila, at dumeretso nako sa pag-ligo
Habang naliligo ako rinig ko ang tawag sakin ni mama na kakain na daw kami, kaya binilisan ko ang Pagligo ko, isinuot kona din ang uniform ko sabay punta sa hapag-kainan
"Oh? Akala koba 10:30 pasok mo, parang aga mong nagbihis" sabi ni Mama
"Tumawag secretary ni Boss Chris saakin, importanteng meeting daw 8:30 andun na dapat ako anung oras naba?"
"7:05 na ate Dalian mo baka pagalitan ka nanaman ni Boss Pogi Hehe" sabi naman ni Jade sabay ngiti na kinilig,
"Ang harot mong bata ka, 28 nayun uy wag kang anu dyan Kinse ka palang, pag sabihin mo nga si Jade ma"
"Anak age doesn't matter, sige na kumain kana anung oras na, ako nalang maghuhugas"
Isinubo ko agad yung sandwich ni mama at ininom ng tuloy-tuloy yung fresh milk sabay kuha nung Helmet at Susi ko,
BINABASA MO ANG
IKAW AT IKAW PARIN
Teen FictionAng simpleng Police woman na nagkagusto sa lalaking Secret Agent at Pulis ng Bayan. Lalakeng walang kinakatakutan lalakeng responsibilidad ang bayan. Tuklasin natin kung paano sila nagkakilala. Isulat natin ng masaya ang kanilang Storya. Started: D...