"Kahit kailan ay hindi ko naisip na makakaramdam ako ng ganito katinding emosyon--na magmamahal ako... Lalong hindi ko pinangarap na ang iibigin ng puso kong ito ay isang katulad mo...
Sino ba naman kasi ako? Isa lamang akong hamak na mortal.. Isang TAO.
Hindi kagaya mo--isang ANGHEL, isang sagradong nilalang. May sariling mundo...ibang-iba sa kinaroroonan ko...
Kaya lang...
Kaya lang...
Kaya lang hindi ba talaga pwedeng magkaroon ng TAYO?"
----------¤¤¤------------------------------------------------------------------------------¤¤¤----------
"Kahit minsan, hindi ko inakalang magmamahal ako ng isang mortal... Ni minsan hindi ko inakalang sa isang tao titibok ang puso kong ito.. Alam kong mali ang ganito-- isang paglabag sa patakarang sinusunod ng mga kagaya ko...
pero napakahirap palang supilin ang pag-usbong ng ganitong pakiramdam...Ang umibig sa isang tao ay pinakamalaking kasalanang nagawa ko. Tanggap ko ito. Handa kong tanggapin anumang kaparusahang nakaamba sa akin. Pero ang pagpigil sa umaalpas na emosyong ito ay hindi ko nasisigurong magagawa ko. Mahirap.. masakit... Kasi alam kong hindi pwedeng maging tayo. Mortal ka, naiiba sa uri ko. Tao ka, anghel ako. May landas tayong kahit kailan ay di magtatagpo... Napakasakit man pero iy
on ang totoo..."
----------¤¤¤----------------------------------------------------------------------------¤¤¤----------
Saan hahantong ang pagmamahalang ganito? Magwawakas na ba agad hindi pa man nakakapagsimula? Magkakatuluyan pa kaya sila o kahit kaila'y di magkakasama? Tuluyan ba silang magkakalayo nang hindi pa naipaparamdam ang pagmamahal nila sa isa't isa? O baka naman may ibang pinaplano ang tadhanang mapaglaro?
ABANGAN…..