Ang boring!!!
Enhanced Community Quarantine.
Di ko inexpect na mangyayari to. Well, wala naman sa atin ang may gusto nito, at inexpect na darating to.
Nakakabored sa bahay. Isipin mo, one month kang nasa bahay, tapos ang kasama ko lang eh ang lola ko. Since si Papa eh naabutan ng lockdown sa work nya, samantalang si Mama naman eh nagbakasyon kila Tita.
Di pa tapos ang exams pero pasado na, dapat ba akong matuwa dahil di ako nakapag review, or dapat din akong malungkot kasi wala akong natutunan? Hahahaha, kayo na ang magpasya, akala mo talaga eh.
Anyway, ayokong maghapong tumambay sa mga social media apps.
Facebook? Twitter? Instagram? Youtube?
Oo nga pala, Tiktok, ang bagong trending app ngayon.
Gusto ko sana itry kaso baka magmukha lang akong tanga sa harap ng camera. At paano ba kumuha ng likers, followers dyan? Hahahaha.
So, dahil wala pa akong naiisip na gagawin, pumunta na lang akong playstore sa cellphone ko at naghanap ng application na magtatanggal sa boring na buhay ko ngayong may quarantine.
Mobile Legends: Bang bang
Ang tagal ko ng nacucurious sa larong ito ha. Paano ba naman kasi, halos lahat sa school, babae man, or lalake, meron ng gaming app na yan. Pati nga teacher at security guard ng school eh hindi nagpahuli at nakiki launch attack din. Di ko maintindihan pero yan lagi kong naririnig sa kanila eh.
Installing app, please wait...
Ano magagawa ko? Bored ako eh. Wala na ngang boyfriend, boring pa sa bahay. Kung sana kasi jinowa nyo na ako eh di nabawasan ang mga taong boring sa bahay, naglalandian na sana tayo ngayon di ba? Charing hahaha.
Pagka-installed ng app sa phone ko, syempre gawa muna daw ng account.
Ang tagal ko ring nag-isip ng username ko, hahaha. Ano ba?
Maria Estella Sinco
Ay wag, username nga eh, tapos ilalagay mo full name mo? Girl nag-iisip ka ba ha?
Hmm? Ano ba?
Mes
Ay initials? Ano wala ka ng maisip ha? Yan na kaya ng powers mo?
Napatingin naman ako sa oras, ilang minuto na ba akong andito sa username na to? Ano ba, ang bobo ko talaga eh no? Pati username hindi makaisip, sana nagreview muna ako, ayan tuloy wala akong maisagot, malay ko ba naman kasing identification pala to.
Alarmclock
Then, country...
Philippines
Okay, all set.
Sooo, what's next, mobile legends beng beng?
Tutorial? Okay, sabagay, tama yan, para naman alam ko gagawin ko.
Tinapos ko na yung tutorial at finally nakarating na ako sa totoong laban. Akala mo talaga eh no?
Welcome to Mobile Legends. Five seconds to enemy reaches the battlefield, smash them. All troops deployed.
Sus, basic. Ano bang nakaka-challenge dito?
Mula tutorial hanggang sa real battle, si Layla yung ginagamit ko. Aba malay ko ba sa mga hero na ginagamit dito. Eh Layla pinagamit eh, aangal pa ba ako?
Request back up! (Gather)
Uy back up daw, wait pulbusin natin yang mga beginner na yan.
You have slain an enemy!